Mia's Message: Hello kay Maricar Lopez Calicdan! Hahahaha. Hi, Icar! I love you. O, ayan na ha? Sana happy ka na. Kinulit talaga nila ako para batiin ka. Hahahaha.
Hello sa mga elementary classmates and friends ko na sina Rochelle, Krister, Jhoanna, Bea, Patrizia, Marice, and Alissa na ever supportive sa career ko. Hahaha.
Hello sa mga officemates ko na sina Edge and Cherry! Hahaha. Ang supportive niyo rin sa career ko. Libre ko kayong Jollibee burger. Hahaha.
--
Copyright © ScribblerMia, 2012
"Hello, Astrid!" Sigaw ni Mike sa kabilang linya.
"Grabe. Muntik ka ng sumigaw niyan, Mike," nakanguso kong sabi. Akala ko mababasag ang eardrum ko sa lakas ng sigaw niya.
Narinig ko ang malakas na tawa niya sa kabilang linya. "Sorry na. Excited lang ako masyado."
I smiled. "Congrats! Nakaraos ka. Akala ko talaga babagsak ka sa P.E., eh." Natatawa kong sabi.
"You...you..." Nanggigigil na sabi nito.
"What?" I laughed aloud.
"Oh, shut up, you meanie."
"Seriously? Philippine Folk Dance?" Mas lalo akong tumawa. Napahawak pa ako sa tiyan at napasandal sa upuan. Siguro naririnig na rin nina Mama sa baba ang tawa ko.
"Like I have a choice?" He sounded annoyed.
Pambihira talaga itong si Mike. Muntik na siyang bumagsak sa P.E. at muntik na ring hindi maka-graduate dahil sa P.E.
"Kung anu-ano kasi ang PE na kinukuha mo." I commented.
"Sus. Sa palagay mo naman gusto kong kuhanin ang mga iyon?" He snorted. "Napilitan lang ako dahil wala na akong mahanap na magtutugma sa schedule ko. Pero kung may choice ako, damn. Hinding-hindi ako magtyatyaga na sumayaw ng bwisit na tinikling na iyan." Halos nandidiri na sabi niya.
Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Dahilan kung bakit halos mahulog na ako sa kama.
"Sige, tawa ka pa," he said sarcastically.
"S-sorry, M-Mike." I laughed more. "It's just that...your final presentation was epic!"
I heard him gasp and muttered non-stop curses. "Did you fucking delete it?"
I suddenly stopped laughing. "What?" I acted innocent.
He sighed heavily. "Hay naku, Astrid. Hindi mo pa binubura iyon noh? Patay ka talaga sa akin mamaya. Guguluhin ko iyang buhok mo."
"Hey! Walang ganyanan. Ibang usapan na pagbuhok ang pinakialaman."
Humagalpak naman sa tawa si Mike.
Nag-usap pa kami ng kung anu-ano pero maya-maya rin lang ay nagpaalam na siya dahil magre-ready na raw siya. Ayaw niya rin kasing mahuli sa big event sa buhay namin.
"Astrid!" Mama called from downstairs. "Halika na. Magfa-family picture pa tayo."
I rolled my eyes. Excited masyado ang mga tanders.
--
"Bilisan mo! Mahuhuli ka na." Nairiritang sigaw ni Papa sa labas.
"Oo na po! Sandali lang. Pwedeng maghintay? Pupunta ako doon nang nakayapak?" Nakanguso kong sabi habang nagmamadaling hinahanap ang mga sapatos ko.
Ano ba naman iyan? Natataranta na ako. Isama pa ang mga magulang ko na OA din. Akala mo sila ang aakyat sa stage. Nakakaloka.
Pumunta ako sa kusina at doon ko nakita ang mga sapatos kong nakatambak sa lamesa.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum