Chapter 19 (Part 2)

848K 9.8K 1.6K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

 

I woke up with a smile.

Napailing ako. Bakit ang ganda ng gising ko? Weird. Nag-inat ako at saglit na humimlay sa higaan.

Then, I yawned. It’s Saturday. Buti na lang.

I wore my robe and went downstairs.

While walking, I could smell fried egg, noodles, and bacon. Lalo ako nagutom. 

“Yow,” he greeted me with a warm smile.

Tumango lang ako kahit nagulat ako sa tinuran nito. Tinuruan naman ako ng Mama at Papa ko ng good manners. Kaya kahit bad trip pa rin ako sa lalaking ito, I greeted him back. 

Nakahain na sa mesa ang mga pagkain kaya lalo tuloy akong natakam.

Nang makaupo si KJ sa harapan ko, sinimulan ko nang lantakan ang pagkain. Wala ng hiya-hiya, walang hiya naman ang nasa harapan ko eh. 

“Hey, Misis, dahan-dahan. Baka mabulunan ka na naman.” He showed me a concern face.

I choked. What the earth did he say?

Bigla tuloy naiwan sa lalamunan ko ang bacon, dahilan kung bakit tuluyan akong nabulunan. Holy crap!

Dali-dali akong uminom ng tubig at nanlalalaki ang mga matang tumingin sa kanya. “Anong Misis?!” Dinuro ko siya gamit ang tinidor. “Hoy, 'wag kang feeler.”

He smirked. “Come on. 'Di ba gusto mo na maging asawa ang magiging first kiss mo?”

I frowned. What?

Parang nabasa naman nito ang nasa isip ko. “I read your diary when we were in Grade 6. Sabi mo, your first kiss will be your husband. You want him to be the first and the last kiss.” Ngumiti ito ng nakakaloko.

Heavens! “You read my diary?” Nahihiya at naiinis na sabi ko.

He nodded. “You left it on your chair noong dismissal natin. I was about to return it to you kaso dali-dali kang lumabas. Hindi na kita naabutan,” he said matter-of-factly.

Muntik ko nang buhusan ng tubig ang lalaking ito sa mukha. Namula ako. “It’s a personal property! Who gave you the right to read it, bastard?” I shouted. Nawalan ako ng ganang kumain bigla. Naibagsak ko sa plato ang kutsara at tinidor sabay maharas na napahinga sa harap niya.

“I didn’t know that, okay? I thought it was one of your notebooks in class. I was about to doodle something on it. Hindi ko alam na diary mo pala iyon,” depensa nito.

“Still, hindi mo na sana binasa since obvious na diary iyon! Tinawag pang diary kung makikibasa ang madlang people, 'di ba?”  Hinampas ko ang lamesa.

Ano pa ba’ng alam niya sa akin? Ano ba’ng laman ng diary ko? 'Di ko maalala. Pupunta ako sa bahay mamaya o bukas, I’ll check kung anu-anong pinagsusulat ko doon.

"Hey," he called. He was eating bread.

“Ano'ng nabasa mo sa diary ko ha?” Naupo akong muli at humalukipkip.

Umiling-iling ito. “Wala na akong matandaan. Maliban sa doon nga, tungkol sa unang halik mo, tungkol sa aso mong namatay kasi lason pala napakain mo, sa pangungupit mo ng barya sa bag ng Mama mo, sa scratch ng kotse ng Papa mo dahil nakulayan mo ng pinturang pink, sa classmate natin na si Nikki na ikaw pala ang naglagay ng glue sa upuan niya, sa nasira mo ang TV kasi tinadyakan mo.” Saglit itong nag-isip at iniligay pa ang daliri sa sintido. “Ayon! Tinadyakan mo ang TV kasi naiyak ka sa pelikula na E.T. Tapos sumayaw ka ng Oops I Did It Again ni Britney Spears pero sobrang hiningal ka kaya naibato mo ang radyo mo sa kwarto. Tapos—”

“Enough!” I cut his words. “Akala ko ba wala kang nabasa masyado? Bakit memorized mo ang sunod-sunod na scene sa diary ko?! Bakit alam mo?!”

“Natandaan ko lang bigla,” sabay ngiti nito at kamot sa ulo.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. Padabog akong tumayo. “I hate you, Karl Jonathan Dominguez!” I walked out.

“T-teka lang, Misis!” Natatawang habol nito, halatang tuwang-tuwa sa pang-iinis.

“Misis your face, bakulaw! Moron! Bastard! Isa kang malaking jebs! Pakialamero! Chismoso sa kanto! Judas belt!” Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong. Pero bago iyon, narinig ko ang malakas na halakhak niya. Great way to ruin my morning, KJ.

Alam na niya. Nakakahiya. Ano ba’ng pumasok sa isip ko at nag-diary pa ako? Ayan tuloy, nasaba niya na. Nabuksan ang Pandora’s Box. Ang darkest secrets ko, nabunyag! 

I sighed. 30 minuto din akong nakadapa sa kwarto. Nagmumukmok lamang.

After a while, I yawned. Inantok na naman ako bigla. Iidlip muna nga ako saglit.

-- 

“That’s great, dude. Then, what happened?”

“Of course, you know it, guys. We went to heaven, figuratively speaking.”

Nakarinig ako ng malakas na tawanan mula sa labas. Napakamot ako at napaupo. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at muling humikab. 

“Ang ingay! Sino ba ang mga ito,” reklamo ko habang tumayo at dumiretso sa bintana. Sumilip ako sa bintana na katapat ang hardin. I saw KJ and some members of his gang. Nag-iinuman na naman sila.

I looked at my watch, and it’s 12:00. Katanghalian talaga?

“Honey! Do you want some barbecues? Or spaghetti?” 

May isang babaeng lumabas galing sa bahay nina KJ. Nakashort-shorts ito na maong at naka-spaghetti straps na red. Mahaba ang buhok, sexy at maganda. Lumapit ito kay KJ na nakangiting nakaupo at yumapos.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.

Naghalikan sila.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon