Chapter 11

925K 10.8K 2K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012 

"Astrid, wake up." 

"I'm hearing voices again," I murmured.

"Male-late ka na! Bangon na!"

"The monster is getting closer." I covered my body with a blanket, eyes still closed.

"Isa, hindi ka talaga babangon?" Mama warned.

"Five minutes," I whispered and covered my face with pillow.

"Nandiyan na si Karl sa baba. Mahiya ka doon sa bata. Bumangon ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita sa kanya." Nakarinig ako ng mga yabag papaalis.

Karl.Karl.Who the he--

What?!

Dali-dali kong tinanggal ang unan sa mukha ko.

I squinted at my alarm clock. It’s now 7:30 am.

Holy shit! 

I ran as fast as I could. Dali-dali akong pumasok sa banyo.

"Crap, Ma!" I screamed.

"I told you so," Mama shouted back.

 --

Dire-diretso na akong lumabas sa gate. Hindi na nga ako nag-breakfast dahil 8:20 na.

Late kami nito. Patay na talaga. Classmate ko pa man din si yabang sa first class ko.

And yes, tama ako. Nakasandal siya sa kotse, looking fresh with his white shirt and khaki pants. Nakashades siya, pero halata kong matalim ang tingin niya sa akin. 

Para siyang bull na handag suwagin ang kahit sinong hahara-hara sa daan niya. Halata ko ang pigil niyang galit. 

"S-sorry," nakayuko kong sabi habang dahan-dahan na lumapit sa kanya.

Hindi naman siya umimik at sumakay na lang sa kotse.

"Uy, sorry na," mahinang sabi ko.

Nasa byahe na kami pero hindi pa rin siya umiimik.

"Sorry na nga, e." Kinukulbit ko ang braso niya.

He kept silent. 

"Hoy," untag ko.

Nakatingin lang siya ng diretso sa unahan habang nagmamaneho.

"Hoy." Hinigit ko ang dulo ng manggas niya.

 Namula ako sa galit. Ang arte-arte naman nito masyado. Humalukipkip ako.

"Hoy! Sorry na nga, e! Bingi ka ba?" Halos mapatid ang litid ko sa pagsigaw.

Saglit siyang tumingin sa akin. "What the fuck! Nakalunok ka ba ng microphone?! Ang sakit sa tainga ng boses mo, ah! Umayos ka nga! Can't you just sit there and shut the fuck up?" Nanlalaki ang mga matang sabi niya sa akin sabay tingin ulit sa harapan para magmaneho.

I bit my lip. "Is it hard to say 'It's okay?’ Or 'okay' lang? Ha?"

“Why would I say that when it's not okay?!" He shot back.

Okay, fine. I know it's my fault. But he shouldn't act like that, right? He shouldn't give me that cold treatment because he was making me feel guilty. 

"Sorry na nga, e! Hindi ka tumatanggap noon?" I frowned.

"Ang daling sabihin ng salitang iyan para sa taong may kasalanan. Pero para sa taong naagrabyado, sa palagay mo, ganoon lang kadaling tanggapin ang salitang iyan?" He gave me a serious look.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon