Copyright © ScribblerMia, 2012
Naglalakad kami ni KJ papunta sa Pisay Building. Tahimik lang kami at parehas nakayuko. Nag-iisip din siguro siya gaya ko.After the revelation, I mean the announcement yesterday, parehas kaming nakanganga, as in laglag panga. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa announcement ng mga magulang namin? Our parents would go to Hongkong. They would stay there for a week leaving us...alone.
"What are we going to do?" I suddenly asked him.
Tumingin siya sa akin saglit habang naglalakad bago tumingin ulit sa harapan. He sighed. "I guess, we just have to go with the flow. There's nothing we can do. As of now, they are preparing their luggage. Tomorrow is their flight," he said lazily.
Bukas na ang alis nila aby Biyernes bukas.
"Paano ang baon natin?" Tiningnan ko si KJ habang seryoso lang siyang naglalakad.
Bigla siyang nagpreno at tumingin sa akin. He gave me that irritated look. "Tangina, Astrid. Talagang baon agad ang naisip mo?"
Napatalon naman ako sa gulat at napatigil din sa paglalakad. "Bakit? Tama naman 'di ba? Paano tayo kakain at papasok ng walang baon?" I answered back. Talaga namang dapat problemahin ang baon 'di ba? Kung aalis ang mga tanders ng isang Linggo, paano na lang kami ng walang pera 'di ba? Nagiisip ba ito? Matalino ba talaga ito?
"They know what to do with it. For God's sake, stop thinking of those rubbish things!" He rolled his eyes.
"Sungit," I murmured.
Tumingin lang siya sa akin saglit sabay tingin ulit sa daan.
We walked silently.
"Why are they always together?"
"Yeah, I noticed that as well."
"Are they a couple already?"
Kailangan talaga magbulungan ng bongga to the extent na iparinig talaga sa amin? Bulong ba’ng maitatawag iyon?
Tumingin ako kaliwa't kanan ko. Pinagtitinginan kami ni KJ. Others were busy whispering with each other. Ang iba naman, halos hubaran na si yabang kung tingnan nila. Ang iba, halos tunawin na ako sa masama nilang tingin. At ang iba naman, walang pakialam sa amin.
Ano’ng problema nila? Ang big deal masyado sa kanila. Ano naman kung kasama ko si KJ? Masama bang makasabay pumasok ang kapitbahay ko?
Taas noong naglakad lang ako. Dedeadmahin ko na lang sila. Nakakabwisit ,e. Alam ko namang gwapo si yabang pero mali naman yatang pagusapan kami 'di ba? Wala naman kaming relasyon at obvious naman na naglalakad lang kami ng magkasabay. Hindi naman kami magka-holding hands o magkaakbay para pag-isipan kami ng kung anu-ano.
Minsan, ito ang problema ng mga tao—masyadong assuming. Kaya maraming nasasaktan, e.
Natawa naman ako bigla sa naisip ko.
"Hey, are you listening?" KJ nudged me.
"What?" Kumurap-kurap pa ako at tumingin sa kanya.
Ngumuso naman siya sa pinto.
Nandito na pala kami sa room at classmate ko nga pala siya sa NASC1.
I sighed before entering the classroom. Okay, and the long day was about to start.
--
Because I was bombarded by information from my professors, I didn’t notice that the classes already ended.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum