Chapter 43

903K 10K 1K
                                    

 

 

Copyright © ScribblerMia, 2012.


After the incident at the cafeteria, dumiretso na kami ni KJ sa klase. Okay naman. Nakinig naman kami parehas. Nagparticipate din si KJ sa mga laro, gaya ng luksong baka at piko. He was so adorable that time. That time lang? Chos! Haha. Halos matumba ako kakatawa sa kanya. Magaling siyang tumalon, lalo na sa piko. Sineryoso niya nga masyado e. Sobrang nagconcentrate talaga siya. Nag-iisip pa siya ng tactics para manalo ang team nila. Magkalaban kasi kami. Ang nakakatawa pa, hindi siya mapakali sa paghahanap ng magandang bato para pantira. He was looking for a flat stone daw. Nakakita naman siya and to my amazement, their team won. Tuwang-tuwa siya to the extent na napatalon pa siya at nakipag-highfive sa mga teammates niya. Noong una nga, takot pa ang mga teammates niyang kausapin siya. Hindi alam kung lalapitan or kakausapin siya. Siyempre ba naman, Supremo si KJ ng kinatatakutang frat sa buong school. Noong una, nerbiyos na nerbiyos ang mga kaklase ko sa kanya. Pero noong napanood nila si KJ maglaro ng piko, hindi rin nila mapigilang matawa. Tumitigil lang sila kapag binibigyan na sila ng masamang tingin ni KJ. Grabe talaga ang lalaking iyon.

To sum it up, our PE class was awesome. Hindi man kami nanalo, okay na rin. Mukhang ang saya-saya ni KJ e. Hahaha. After ng game, lumapit sa kinauupuan ko si KJ.

"Congrats, Piko Master." I said while grinning. Yeah, I couldn't stop laughing. KJ was hilarious.

"Ha-ha. Very funny." He said in a sarcastic manner.

"Thanks," I said and faked a smile.

"Tss." Nag-inat ito at inayos ang t-shirt. "Let's go. Let's grab something to eat." Inabot niya ang kanang kamay niya sa akin.

What's this? Holding hands while walking ang peg niya? Sa loob ng campus? Okay lang siya? PDA much? Kalurks.

"What is that for?" Nakakunot-noong tanong ko.

Napasimangot naman ito. "Cut the drama. Let's go." Sa inis marahil, kinuha niya ang kamay ko at hinigit ako patayo. "Magoverreact ka kung hinalikan kita in public. Tss. Hahawakan ka lang sa kamay e. OA ka masyado. OA ka nga talaga." He smirked.

"KJ ka naman."

Wala na akong nagawa kundi magpahila rito sa lalaking ito. Opo, tama po kayo. HHWW ang peg ni KJ? Letch. Pero bakit kinikilig ako? Hahahaha.

"Feeling mo naman si Xian Lim ka? Tss." Pang-aasar ko.

"Feeling mo naman si Kim Chui ka?" Ganting biro niya.

Nagkatinginan na lang kami. Sabay napatawa ng malakas. Dafuq. Ano'ng pinagsasasabi namin? 

Kim Chui and Xian Lim? Yikes. Hahaha. Gutom na nga kami.

--

Nang makauwi ako sa bahay. I hurriedly called Kaye. Ang kaso, nakapatay ang cellphone niya. Enebe. Kung kailan naghihintay ako ng update sa kanila ni Neiji e. Hmp. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral. O dibims? Nag-aaral ako. Hindi lang halata. Hahaha. Nah. I just want to be a consistent University Scholar or US (tawag iyan sa mga students sa UP na kasali sa Dean's list, ang grade ay nasa 1.0 to 1.45. College Scholar or CS naman kapag 1.46 to 1.75) Aminado ako, may pagka GC ako. Hahaha. Last semester kasi, US ako e. O 'di ba ang galing ko? Hahaha. Ang yabang ko na. Sorry. Hehe.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon