Copyright © ScribblerMia, 2012.
In life, there are people who will pull us down.
Aminin man natin o hindi, apektado tayo sa sinasabi ng iba. To tell me that you are not affected with such gossips is bullshit. Somehow, you know that deep down, naaapektuhan ka rin sa tsimis kesehodang totoo man ito o hindi. Bakit? Sino ba'ng tao ang gustong pag-usapan? Sino ba'ng tao ang hindi masasaktan lalo na’t hindi naman totoo ang sinasabi nila? Do not underestimate the power of words. Dahil parang matalas na punyal ito na nakakahiwa.
Yes, kikilos ka na parang wala lang sa’yo ang sinasabi nila kapag kaharap mo sila. But at the end of the day, you’ll close your eyes and wish na matapos na ang lahat ng ito.
In life, there are people who will pull us down. Still, we should not forget that there are also people who will pull us up after we fall.
I sighed. I was reading ScribblerMia’s blog from my iPad. Nakakarelate kasi ako sa topic niya. Tama siya. Katabi ko ngayon ang isa sa mga taong tinulungan akong tumayo pagkatapos kong madapa (figuratively speaking ha).
[Mia's Message: So umeksena ang author dito. :P]
“What are you reading?” Tanong sa akin ni KJ.
Kasalukuyan kaming naghihintay ng propesor. Pasulyap-sulyap lang sa amin ang iba naming kaklase. Takot na lang nila kay KJ.
“Hmm. Blog ni ScibblerMia,” sagot ko habang nakatingin pa rin sa iPad ko.
“Sino naman iyon?” Nakakunot-noong tanong nito.
“Hindi mo siya kilala? Like oh my gosh. Like she’s my fave blogger.”
“Arte mo. Buset.” Nakasimangot na sabi nito.
Tumawa na lang ako. Sa totoo lang, wala kasi talaga akong magawa. Ayoko namang pagtuunan ng pansin ang mga tadpoles sa paligid kaya gusto kong ma-distract. So ayon, nagbabasa na lang ako ng blog. Maya-maya rin naman, dumating na ang Prof.
Nagsimula na ang discussion. Nakinig na lang kami parehas ni KJ. The thing I love most in UP is the teachers’ professionalism. Wala silang pakialam sa issue ng mga students sa campus. They are just doing their job by teaching us and inspiring us. Nothing more, nothing less. I admire them for that. For sure, alam nila at updated sila sa latest chismis dito sa campus, pero they treat us like nothing wrong is going on. After all, why are we here in the campus? To learn and not to give a damn with bullshit lies and nonsense gossips. Omaygad. I’m becoming a cussing monster here. Profanity, leave me alone! Hehe.
After the class, sinamahan ako ni KJ hanggang sa cafeteria. I told him I’d be okay naman alone, but he insisted on accompanying me here. Okay, siya na ang pasaway na sweet.
Nakita ko namang nakaupo sina Philip at nakaabang. Malamang they were expecting me.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum