Chapter 33

817K 9.5K 749
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

 

 

They say love takes time.

And yes, it takes time for me to realize that this is love.

How can I be so foolish?

Gahd. I've always thought I'm smart. 

Huli na nang malaman kong pag-ibig na pala ito.

Akala ko expert na ako sa pain at love eh. I've been here before 'di ba? I fell in love and got hurt.

Is this dejavu?

Because it's happening again.

I am hurt and I am in love.

Only this time, the pain and love are way.....deeper.

Nakayuko ako at patuloy na tumatakbo.

Saan nga ba ako pupunta?

Hindi ko rin alam eh. Basta na lang ako tumakbo. Basta na lang tumulo ang mga pesteng luha na ito.

Nakakainis naman eh.

Bakit kahit ano'ng gawin ko, parang waterfalls ang mga luha ko?

Bakit kahit ano'ng pagtakbo ang gawin ko, hindi napapawi ang sakit?

Gusto kong lumayo para makalimutan ang nakita ko, gusto kong takbuhan si Karl para hindi na niya makita na nasasaktan ako.

Wala kasi akong karapatan. Tangina. Paulit-ulit na lang sa lecheng iyan eh. Bawal magselos kasi walang karapatan. Paano naman iyon? Kasalanan ko ba kung meron akong nararamdaman? Kaya ko bang pigilan ang sarili kong magselos kahit wala akong karapatan? Kaya nga bang pigilan ang pagseselos? 

 Kaya rin bang pigilang masaktan?

Napatigil ako sa pagtakbo ng maramdaman ang patak ng tubig sa braso ko. Tumingala ako, madilim ang langit, puno ng itim na ulap.

Nakikisabay marahil ang langit sa dalamhating nararamdaman ko. Kung gaano kadilim ang kalangitan, ganoon din kalungkot ang nararamdaman ko.

I hate the rain. Ever since I was a kid, I've always hated the rain. Hindi dahil sa hindi ako makapaglaro tuwing umuulan. Ayoko ng ulan kasi nalulungkot ako tuwing umuulan. Ewan ko ba. Pakiramdam ko kasi, ang mga patak ng ulan ay parang patak ng luha, puno ng lungkot at pighati.

Maya-maya, unti unti nang lumakas ang ulan. Pero wala akong pakialam. I just wanted to be alone. I wanted to clear my thoughts.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon