Mia's Message: Because I am freaking elated, here's my gift to everyone. Grabe. Iba pa rin ang feeling pag TBND ang sinusulat. Hahaha. Sana masiyahan kayo. Sana mapangiti kayo nito, gaya ng pagpapangiti niyo sa akin. :)
--
Copyright © ScribblerMia, 2014
A Promise of Forever
Kinder
“Ano ba! Iwan mo nga ako,” sigaw ko.
“Ayoko nga!”
“Isa!”
“Dalawa,” pang-aasar ni Karl Jonathan, ang anak nina Tita Elena at Tito Eduardo. Kapitbahay ko siya at pilit kaming pinagsasama ng mga magulang namin para maglaro. Busy kasi sila sa paghahanda para sa 6th anniversary nina Mama at Papa bukas.
Ayokong kalaro talaga ang panget na ito. Ang yabang-yabang na nga, ang sama-sama pa ng ugali.
“Isusumbong na talaga kita,” may pagbabanta sa tinig ko. Parehas kaming nakaupo sa labas ng gate ng bahay namin. Naglalaro ako ng lutu-lutuan habang siya naman ay walang tigil sa panggugulo sa akin. Tinatapon niya ang mga niluluto kong dahon.
“E, ‘di magsumbong ka.” He stuck out his tongue at me.
“Ang bad mo talaga! Inaano ba kita?” Malapit na akong maiyak sa kakulitan niya.
“Inaano rin ba kita?” Tumayo ito sa pagkakaupo at umikot.
Masama naman ang tingin ko sa kanya habang habol siya ng tingin.
He gave me a wicked smile.
I became nervous. Alam ko na ang balak niyang gawin.
“Nooooo!” Tumayo ako para pigilan siya pero huli na.
Sinipa niya ang mga laruan kong kaldero at tumilapon ang mga laman nitong dahon.
“Luto ka ng luto pero dahon naman. Makakain mo ba iyan? Dapat real food ang niluluto mo. Engot,” dinilaan ulit ako nito bago nagtatakbo papasok sa loob ng bahay nila.
Naiwan na lang ako sa labas na malakas na umiiyak.
***
Grade 1
“Happy 7th Birthday, Astrid!” Sigaw ng mga tao sa paligid ko. Abot-tainga naman ang ngiti ko.
"Picture kayo ni Karl," sabi ni Mama.
"Ayoko," tanggi ko. I crossed my arms. Inirapan ko ang batang katabi ko.
"Anak naman," Mama gave me a warning look. "Sige na. Ang ganda pa naman ng Barbie dolls na regalo sa'yo ni Karl."
Napatigil ako bigla sa pagtataray. "Barbie dolls?"
Mama smiled and nodded.
"Talaga?" Nakangiting tanong ko sabay lingon kay Karl.
Nagulat naman ito at napatitig.
"Hoy."
Napanganga si Karl at napatango ng mabilis. "Oo."
"O, sige na nga." Hinawakan ko ang kamay nito. Nagulat naman ito at napatingin sa kamay naming magkahawak.
"Ayan. O, sige, tingin kayo sa camera, kids," Mama ordered.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum