Mia's Message: THANK YOU KAY MAKIS. Clap clap! Siya ang nag-isip ng bagong name ng Astrid and Karl loveteam. Siya raw ang number one fan ng love team nila. :))
KASTRID!
--
Copyright © ScribblerMia, 2012
We decided to go today because we still have to shop for clothes. We'll stay in a hotel na lang. Maaga kasi ang flight namin. Just call or text us if you have problems with money and food, baby. We left your allowance in the cabinet. We love you. :)
PS: By the way, we left your things at your Tita Elena's house. They are in the guest room. Tito Ricky will come to the house to check up on you two from time to time.
-Mama and Papa
"No! T-this can't be. How could they!" Naiiling at halos maiyak na bulalas ko.
Itong note na ito ang tumambad sa akin pagpasok ko sa bahay.
Thursday pa lang, bakit ngayon sila umalis?
I went to my bedroom. Dumiretso ako sa cabinet ko at mabilis na binuksan iyon.
Nanlumo ako sa nakita ko. Dinala na nga nila ang ibang gamit ko sa bahay nina Tita Elena. I'm doomed.
Kinuha ko muna ang allowance sa cabinet bago dali-daling lumabas at kinandado ang bahay.
Alam na kaya ni KJ? Malamang. Nakauwi na rin siguro iyon.
Wala akong nagawa kundi dumiretso sa kapitbahay. Since the gate was open, I hurriedly went inside.
Sarado ang pinto nila kaya kumatok ako. "Hoy!" I shouted.
I kept knocking and shouting, but he wasn't answering. Bakit walang sumasagot? Wala ba siya? Hindi ba siya dumiretso sa bahay?
I held the doorknob. Hindi naka-locked? I slowly opened the door.
Nakarinig naman agad ako ng musika na nanggagaling sa taas ng bahay nila.
The song Viva La Vida by Coldplay was playing.
Dumiretso ako sa taas para hanapin siya. "KJ," tawag ko.
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Hoy, yabang. Nasaan ka ba?" Saan ba siya nagpunta?
I went to his bedroom. Pagbukas ko ng pinto, wala rin siya sa kwarto niya. Ano ba iyan? Saan nagsuot ang gunggong na iyon?
Isasara ko na sana ang pinto nang biglang may nahagip na bagay ang paningin ko.
I stopped. Nanlaki ang mga mata ko. Sandali, pamilyar sa akin ang mga ito.
Lumapit ako sa mahogany table na may nakapatong na mga picture frames. Tinitigan kong mabuti ang isang picture. Ako at si yabang iyon noong mga sanggol pa kami na magkatabi sa kama. Nakahubad kami parehas.
"Ano ba iyan? Nakakaloka naman at parang Rated SPG pa ang picture na ito," bulong ko.
Tiningnan ko ulit ang isang picture frame na katabi nito. Nakapink akong baby dress at nakablue na baby dress si yabang.
Natawa naman ako bigla. Noong bata kami, binibihisan ng pang babae na damit ni Tita Elena si yabang. Mukha kasi siyang babae noong bata, bukod sa gustong-gustong magkaanak ni Tita Elena ng babae.
I switched my gaze to the other picture frames on the table. Meron doong litrato na magkahawak-kamay kami ni yabang na nakangiti. Maybe we were about four years old? Parehas pa kaming naka-jumper. Tapos may picture din doon na hinalikan ako sa pisngi ni yabang noong anim na taong gulang pa lang kami. Birthday ko noon iyon, e, kasi may lobo pa kaming hawak. May picture din doon na nakauniform kami noong elementary. Grade 6 yata kami rito. Nakangiti si yabang tapos ako naman ay nakasimangot, halatang napipilitan lang magpapicture katabi ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum