Copyright © ScribblerMia, 2012
"Hoy! Magluto ka naman! Tamad-tamad mo!" KJ shouted. Hinagis nito ang bag sa sofa.
Pambungad niya agad iyan ngayong hapon. Kakarating lang namin galing school. Sana pagbihisin niya muna ako 'di ba?
"Teka lang ha? 'Wag kang atat. Kairita ang boses mo eh," I murmured.
"What?" He shouted again.
"Wala. Sabi ko magbibihis lang ako. Maghintay ka, pwede?" I answered sarcastically.
"Sarapan mo ha? Marunong ka ba?"
Aba! Minamaliit ako nito? "Oo naman! Ano'ng tingin mo sa akin? Walang silbi?" Pambabara ko.
"Sa tingin ko lang naman, eh, oo. Mukha kang walang silbi." Ngumisi ito ng nakakaloko.
"Pakyu ka. Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong makipaglips to lips sa sahig." Dali-dali muna akong umakyat sa kwarto para magpalit.
Kailan ba kasi uuwi sina Mama? Miss na miss ko na sila, eh. Tapos one month pa silang wala. Weekend na ulit bukas. Usually pag weekend, gumagala kami at kumakain sa labas. Minsan, movie marathon lang kami.
"Hoy! Tapos ka na?" Sigaw ng hayop sa labas
"Putek! Oo. Sandali lang ha?" Ganting sigaw ko.
Ganyan kami lagi mag-usap. Lagi kaming pasigaw at barahan. Kailan ba kami magkakausap nito ng matino? Sabagay, paano ko nga naman kakausapin ito ng matino, eh wala na ito sa katinuan.
Dali-dali akong lumabas sa kwarto at dumiretso sa kusina.
Ano kayang mailuto? Adobo? Sinigang? Paksiw? Kare-kare?
Dumiretso ako sa ref para tingnan ang pwedeng lutuin.
There you go! Bingo!
"Hotdog na lang." I smiled mischievously.
Kinuha ko ang hotdogs sa ref at nagsimulang balatan. Nasaan kaya si KJ? Talagang wala siyang balak tulungan ako?
Nang matapos kong balatan ang mga hotdogs, nag-ready na ako para magprito. Kaso, wala na palang cooking oil.
"KJ!"
Walang sumagot.
"Yabang."
Wala pa ring sumasagot.
"Hoy," I shouted. Aba, aba, aba! Hindi sumasagot?
Pumunta ako sa sala para tingnan kung nandoon siya, pero wala siya doon.
Saan kaya nagsuot ang mamaw na iyon? Baka dinala na ng mga dwende sa kaharian nila? Baka natikbalang sa bahay nila? O baka kinuha na ni Kokey at dinala sa planeta nito? Okay. E 'di mabuti. Walang bwisit sa buhay ko.
Napailing ako. Ako na nga lang ang bibili ng langis.
Binuksan ko ang gate at dali-daling pumunta sa tindahan.
"Na Josie, isa pong bote ng langis," sabay abot ng bayad sa matanda.
"Oh, hija. Nasaan na ang mga magulang mo? Tagal ko nang hindi nakikita."
"Ay, nasa States pa ho. Next month pa ang uwi." Paliwanag ko.
"Ay ganoon ba? Eh sino'ng kasama mo sa bahay?"
"Kina KJ, I mean, kina Karl po muna ako nakikitira."
"Ah. Iyong gwapong bata? Si Karl ba kamo? Iyong kababata mo?" Ngumiti ito. "Napakabait noon. Sobrang galang pa." Marahang sabi ni Na Josie.
"Uhh. Oo nga po." Ang plastic ko. Gusto kong masuka sa pagsang-ayon ko.
"May bagong lipat pala diyan, Ineng. Sa katabing bahay ninyo," pagbabalita nito.
"Talaga ho? Hindi ko po alam." Outdated ako sa chika sa barangay namin.
"Oo, Ineng. O siya, iyan lang ba ang bibilhin mo?"
"Wala na ho. Sige ho, Na Josie. Salamat." Pamamaalam ko sa matanda.
"Sige, Ineng." Sagot naman nito nang nakangiti.
Nagsimula na akong maglakad pabalik ng bahay nina KJ. Pero habang naglalakad ay may nahagip ang paningin ko.
Tama ba ang nakita ko? Napatigil ako sa paglalakad, tila namatanda ako.
"Astrid?" He asked.
Bigla akong kinabahan. Dahan-dahan akong humarap sa kanya.
I gasped when I saw him. "Harold?!"
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum