Chapter 21 (Part 2)

829K 9.9K 570
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

Ito na ba ang parte na kailangan ko nang lumubog sa kinatatayuan ko?Ito na ba ang sinasabi nilang sana bumukas ang lupa at lamunin ako? Kasi sa ngayon, gano'n ang gusto kong mangyari.

“Ang ingay mo kasi, girl,” Kaye whispered.

“Ano'ng magagawa ko? May freedom of speech nga 'di ba?” Bulong ko rin sa kanya.

“She looks familiar,” said someone from KJ’s gang.

“Yeah, yeah. We saw her at Supremo’s house, if I’m not mistaken,” another guy added.

Actually, their faces were familiar, too. I didn’t know their names, but I recognized their faces. They’re like everywhere in the campus. 

Pero paano ako ngayon lulusot dito? Darn. Me and my big mouth.

“Hi,” bati ko kay KJ sabay peace-sign. Peace sign ito, KJ. Sana magets mo ang nais kong iparating. 

“Tsk tsk. Bad wife we got here, eh?” Sabi no'ng singkit na lalaki kay KJ. Sabay kindat na naman sa akin.

Tusukin ko mata nito, eh. Sino ba itong kumag na ito? Gwapo siya, pero hindi ako mahilig sa singkit.

I looked at KJ. Nakatingin lang siya wearing that sarcastic smile that he always had.

Napayuko ako at napakamot sa ulo. An’ong sasabihin kong dahilan? They heard everything.

Takbo na lang kaya ako? Wrong move. Ang dami nila. For sure, maaabutan ako. E, kung magkunwari kaya akong nahimatay? Or nagka-amnesia? Kunwari nakalimutan ko ang mga sinabi ko?

I sighed. Sino’ng engot ang maniniwala sa akin?

I looked at each of them. Sa mukha nila, mukhang kakain ng buhay ang mga ito. Sabi pa naman ng mga students, banggain mo na lahat ng frats, ‘wag lang sila.

Maya-maya, naramdaman kong humakbang palapit si KJ kaya napaangat bigla ang ulo ko.

He walked closer and leaned. Kalahating pulgada na lang yata ang layo ng mukha namin sa isa’t-isa.

My friends gasped. Mga walanghiya. 'Wag kayong maggulat-gulatan diyan. Help me, guys! Nakakaloka kayo. Iwan ba ako sa ere? I sent them a signal by glaring, but those idiot friends ignored me. They just watched us like they’re watching an interesting movie. Nobody dared to move or talk. It’s like everything stopped for a moment.

KJ smirked at inilapit ang mukha sa gilid ng tainga ko.“Pasalamat ka at ang alam nila, e, girlfriend kita, Misis. I’ll let this pass. But next time, please be careful with the words you utter.” Pagkasabi no'n, naramdaman kong dumampi ang labi niya sa pisngi ko.

What the heck was that?  Umakyat yata lahat ng dugo ko sa pisngi ko. 

I ignored the shocked faces of the people around us. I was more concerned with this nagging feeling. Bakit ako namumula? Ramdam ko ang init ng mga pisngi ko.

Umayos ng tayo si KJ sabay ngisi.

Habang ako naman ay nanlalaki pa rin ang mga mata. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. At the same time, ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Alam ni KJ na namumula ako at alam na alam ko naman na pinagtatawanan na naman niya ako.

“Let’s go, guys.” KJ said in a lazy manner. Tumalikod ito at walang ganang naglakad palayo habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Ginulo niya ang kanyang buhok at humikab.

I just watched him go. 

“Nag-LQ kayo noh? Kaya galit na galit ang girlfriend mo sa grupo natin?” Sabi no'ng isa habang naglalakad na sila palayo.

“Yeah, that’s why she said those words.” Umabot pa sa pandinig ko ang sinabi niya.

Napanganga ako sa sagot niya. Pagkatapos ay napayuko ako. Medyo naguilty naman ako. Pinagtanggol niya pa ako sa grupo niya.

Did I go overboard? Eh kasi naman, masama ba’ng maglabas ng nasasaloob? 

“Oh my God!” Bigla naman pumalahaw ng irit ang tatlong ito.

 I scowled.“O, para saan ang sigaw ng kalandiang iyan ha?” 

“Ang sweat sweat lang phowsz. Na-sweatan ka noh? Pinagpawisan ka ng malagkit, eh.” Philip said while hugging himself. Halatang kinikilig ang bakla.

“Bakla, ang dami mong sinabing hurtful words, pero what the fudge, hindi nagalit sa’yo ang Supremo ng Cryptic Warriors? And wait, there’s more! He kissed you! Ano iyon ha?! Ano iyon? May something ba kayo?” Singit ni Kaye, nilapit pa ang mukha na parang naghihintay na magkwento ako.

“Si KJ mo pala ang Supremo ng CW! Bakit hindi mo sinabi?” Sabi naman ni Cess sabay batok sa akin.

“As if I know!” Inis na sabi ko. Hindi ko naman talaga alam, eh. At saka ngayon ko nga lang nalaman na Biology ang degree na kinukuha niya at lalong hindi pumasok sa isip ko na siya pala ang heartthrob ng CAS. Ang jeje kaya. 

Pero saka ko na ikwekwento sa mga kaibigan ko ang mga bagay na hindi pa nila alam tungkol sa nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Saka na, kasi sa ngayon, naguguluhan pa rin ako sa mga nagaganap at sa nararamdaman ko. Madalas na yata akong kiligin. Madalas ako mamula. Ang bilis din magbago ng emosyon ko. Minsan, galit na galit ako pero biglang nawawala na parang bula. Tapos minsan, ang saya-saya ko, tapos bigla-bigla akong maiinis tapos matutuwa ulit.

Nababaliw na ba ako? Nasa stage one na ba ako ng insanity? 

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon