Mia's Message: May isang reader na nagsabi sa akin na maganda raw ang TBND, kaso hindi na-emphasized ang ibang "chuvas." I don't know what she meant by that. So, I assumed that "details in the story" siguro ang gusto niyang sabihin sa word na "chuvas." Gaya niya, may tanong siguro kayo sa isip niyo na hindi pa nasasagot sa TBND, for example, bakit lumipat si KJ sa UP and all that stuff (I won't go further into details; I might spoil the story). So ang sagot ko sa inyo about sa ibang details na hindi pa naeemphasize, I'll quote my favorite author Stephen King.
"Good books don't give up all their secrets at once."
--
Copyright © ScribblerMia, 2012.
Hindi ko na namalayan ang sunod na nangyari. The following scenes were blurred. Ang alam ko lang, umalis na kami ni KJ sa school. Hindi na ako tumanggi no'ng inakay niya akong maglakad. Nakasubsob lang ang mukha ko sa dibdib niya habang naglalakad kami paalis ng library. Hinayaan na lang muna ako ng mga kaibigan ko. Hinatid na lang nila kami ni KJ ng tanaw.Wala na rin akong pakialam sa dalawang klase ko pa mamaya. First time kong nag-cut ng class. I didn't regret it. Gusto ko munang makalayo sa lugar na ito. Away from the people who know nothing but to judge others. Away from these people who speak ill of others without knowing the truth. Away from gossip mongers. Away from all the criticisms. Away from the pain.
Pakiramdam ko ay tila ako isang kandila na unti-unting nauupos. Nakakapanghina. Parang nauubusan ako ng enerhiya na gusto ko na lang mahiga at magpahinga.
Hindi lingid sa kaalaman ko na maraming nakatingin sa amin ni KJ habang naglalakad papuntang parking lot. Sinadya kong takpan ang mukha ko para hindi masalubong ang mga mga matang mapanghusga. Halos isubsob ko na rin ang buong mukha ko kay KJ, kulang na lang ay takpan ko ang mga tainga ko para hindi marinig ang mga masasakit na salita galing sa matatalas na dila.
Hindi ako nagagalit sa kanila. No, hindi ako ganoon kababaw. Mas tamang sabihin na naiinis ako. Naiinis ako sa kanila dahil ang bilis para sa kanila na manghusga. Na ang dali sa kanila na magbitiw ng masasakit na salita.
Kungsabay, I can't do anything about it. It's our human nature to judge.
--
Nakatingin lang ako sa malawak na lawa. Kasalukuyan kami ni KJ na nakaupo sa isa sa mga benches ng Sampaloc Lake. Dahil tanghali, pumili kami ng pwesto na malilom, sa ilalim ng isang malaking puno. Binilhan niya ako ng burger at coke. Halos hindi ko magawang kumain. I'm too preoccupied. This is a habit of mine whenever something bad is happening or whenever I'm sad. Wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid. Kahit nasisilaw ako sa mataas na sikat ng araw, hindi ako natinag sa pagtingin sa malawak at payapang lawa.
Pinagmasdan ko ang lawa. May mangilan-ngilan na nakasakay sa bangka habang iniaangat ang kani-kanilang mga lambat. May ilang ibon na nakadapo sa mga kawayan na nakalutang sa lawa.
Ramdam ko ang mahinang hangin na humahampas sa balat ko. Yeah, I need air. I need air to breathe dahil pakiramdam ko, nasasakal ako ngayon. Kanina rin sa school pakiramdam ko ay sinasakal ako ng mga tao don. Hindi ako makahinga.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum