Chapter 32 (Part 1)

807K 9.5K 1.4K
                                    





Copyright © ScribblerMia, 2012

Grabe! Ang bilis ng araw. July na agad. Next next week daw uuwi sina Mama and Papa. Grabe. Sobrang miss ko na talaga sila ng bonggang bongga. Siyempre, ang dami kong binilin na pasalubong. Haler. Only child ako, so dapat lang na spoiled ako.

Tumawag din sila sa amin ni KJ kahapon para mangumusta. Si Tita naman ay walang tigil ang bilin kay KJ na magpakabait daw. Tawa nga ako ng tawa habang naiirita naman si KJ na hawak ang telepono. Nakukulitan marahil sa Mama niya.

Friday na agad. Pero happy ako kasi mataas ang nakuha ko sa long quiz namin sa French. Aba. Super effort talaga ako sa pagmememorize no'n. Besides, pangarap ko rin matuto ng third language para linguist na ang peg ko.

Takte. Speaking of French, naalala ko na naman ang KJ na epal na iyon.

*flashback*

"Je t'aime!" Kamuntik na akong mahulog sa upuan sa sobrang gulat.

Pagtingin ko, ngiting-aso si gago.

"Really? Moi aussi, je t'aime." He smiled widely.

Natulala ako. I don't know what to say. I just stared at him like a complete fool.

Nganga kung nganga ang peg ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Namula yata ang mukha ko at nanginig ang katawan ko sa kilig nang biglang....

"Joke. Joke. Joke." Halos mamatay sa kakatatawa si KJ.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Laglag ang mga balikat ko at parang nanghina yata ako bigla.

"Ah gano'n?" Ito lang ang nasabi ko.

"Akala mo ikaw lang ang marunong mag-French noh? Aba. Atenean ako. Jesuit ang school ko. So what do you expect? I mastered French." Pagmamayabang nito. Tinuro pa ang sarili habang tawa ng tawa.

"Really? Ikaw na ang magaling, nakakahiya naman sa linguist na gaya mo." Sabay walk-out.

*end of flashback*

Akala ko totoo na eh. Kainis talaga ang lalaking iyon. Pampasira ng moment. Halos ibato ko sa mukha niya ang librong hawak ko no'ng time na iyon.

E feel na feel ko na eh. Joke lang nga iyon sa kanya.

But at the back of my mind, I was hoping it's true.

After that incident, hindi ko talaga pinansin si KJ. Naiinis ako eh. Iniiwasan ko siya. Napahiya kasi ako. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral ng French habang siya naman ay abala rin sa basketball practice. Sa Saturday na kasi ang game nila. Nalaman ko rin mula sa mga kapitbahay namin na sa Sabado na raw ang laban. Kasali si Harold kasi nakita ko siyang nagpapractice kasama ng mga taga-amin.

Wow. Gusto ko siyang makitang maglaro. Magaling kaya siya?

Kungsabagay, si KJ eh hindi ko pa rin nakikitang maglaro. I hardly watch ligas, pero adik ako sa NBA. Siyempre, forever Lakers ata ako.

Pero teka, si KJ? Captain ball ng team nila? Ano iyon? Joke? Isang malaking kalokohan. Hehehe.

"OA."

"What?" Asik ko kay KJ. Kasalukuyan kasi akong nakahiga sa terrace at nagbabasa ng "The Pilgrimage" ni Paolo Coelho. Matagal-tagal na rin no'ng huli akong magbasa ng novel. Busy kasi masyado sa school eh.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon