Mia's Message: Shet! Namiss ko mag-UD sa TBND. Namiss ko mag-click ng "new part" sa TBND sa "Create" section ng Wattpad. Hahaha. Sana mapa-smile kayo sa Special Chapter na ito. Alam kong hinintay niyo ito. Sana maging worth it ang paghihintay niyo. Sorry sa typo errors. Hindi ko na naproofread. Ang haba, e. Hahaha.
--
Copyright © ScribblerMia, 2014
Si Kulit at si Pakipot (The Weird Story of Neiji and Kaye)
Gusto ko talaga siya noon pa lamang.
Sa 25 na lalaki na miyembro ng Cryptic Warriors, siya talaga ang pinakanagustuhan ko. Siguro dahil masayahin siya, laging nakangiti, at palakaibigan sa lahat. O, siguro dahil na rin sa naging kaklase ko siya sa SPCM1 (Speech Communication).
Gusto ko naman talaga siya. Gustong-gusto.
Kaso no’ng nagpalit ng seating arrangement at siya ang nakatabi ko, ang paghangang naramdaman ko ay napalitan ng inis, hanggang dumating sa pagkasuklam.
I could still remember the time when we had a play. I got the role of the Princess in the fairy tale “The Princess and the Frog,” while him…well, he was the frog.
“Ang ganda-ganda mo naman, Kaye,” nakangiting bati sa akin ni Sharra, isa sa mga kaklase ko.
Nakasuot kasi ako ng pink gown. It had white ruffles at the hem. There were light pink and white sashes. A dark pink ribbon was tied in a bow at the bodice. Three of my classmates fixed my hair by curling it, while two others put a light make-up on my face. Naglagay din ako ng maliit na kulay gold na korona para mas gumanda ang pagganap ko.
My classmates were giving me compliments when suddenly, he slowly walked toward me.
“Hello,” he said and smiled.
Because I was used to his antics, I glared at him. “What do you want this time, Consunji?”
Umiling ito habang nakangiti pa rin.
“E, bakit ka nandito? Mang-aasar ka na naman noh? Lumayas ka sa harapan ko ngayon din. Wala akong panahon makipagbiruan sa’yo.”
“Grabe ka naman, Kaye. Kapag lumapit sa’yo mang-aasar agad?”
I crossed my arms and gave him a defiant stare. “So, bakit ka nga lumapit?” Nilingon ko ang pinanggalingan niyang upuan kung saan pinalilibutan siya ng mga classmates naming babae. “Baka maghintay sila sa’yo, nakakahiya sa kanila.” Tatalikuran ko na sana siya nang bigla akong napahinto sa sinabi niya.
“You’re pretty,” he suddenly blurted. Tipid siyang ngumiti at saglit na yumuko.
“Joke ba iyan? Tatawa ba ako?”
“It’s true.”
“Are you kidding me?”
“I am not.”
“Yes, you are.”
“No.”
“You’re really pretty…,” he said seriously.
Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa sinabi niyang iyon. I hardly receive compliments from this guy. But looking back, mukhang hindi nga niya ako pinuri kahit kalian. Ngayon lang. She usually calls me “Betty Boop” kasi mahilig raw ako sa pulang damit at lipstick. Malapad din daw ang balakang ko. Bastos kasi ang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum