Mia's Message: Ang ibang names ng CW ay kinuha ko sa Stallion series. NAMES lang ha. Sonia Francesca fan! Solid! :)) Anyone?
--
Copyright © ScribblerMia, 2012
And so, they kissed? Okay. I don't care. As if naman affected ako 'di ba?
Pero bakit ganito ang echoserang puso ko? Bakit parang kumirot bigla? Para akong mauubusan ng hininga.
Nasimangot ako. Kainis naman kasi. Kagabi ako ang hinalikan niya. Tapos ngayon ibang babae naman? Ganoon ba siya ka-playboy at kababoy? Pinaglaruan lang ba niya ako? Ito na ba ang sinasabi niyang revenge?
Wow. What a revenge! For sure, mamamatay na siya kakatawa ngayon kasi naisahan niya ako. Pero, bakit ganoon? Of all the pranks he could do to me, why did he think of a kiss? Bakit naman iyon pa? It was my first kiss. Sana hindi niya ninakaw. It was meant for someone special...someone I care about, someone I love. Hindi dapat iyon sa kanya. Not from him. Not from someone I hate to the deepest depth of hell.
Hindi ko namalayan ang halin-hinang pagpatak ng mga luha ko.
Oh no! Bakit ako lumuluha? Hinawakan ko ang mukha ko at tiningnan ang patak ng tubig sa mga daliri ko.
Ano ito? Bakit hindi ko napansin na may mga tubig na pumatak mula sa mga mata ko? Dali-dali ko namang pinahid ang mga ito.
Hindi ito pwede! Nababaliw na yata ako para umiyak ng walang dahilan.
Wala nga ba? Singit ng isang maliit na boses sa utak ko. Epal na utak.
"Whoa. Get a room, guys." I heard someone said.
Then, I heard whistles.
"I envy you, Pare. You're such a chick magnet."
"You already."
Nakarinig ako ng malakas na hiyawan. Tumatawa pa ng malakas ang hayop na Karl Jonathan.
“Sige. Maghalikan pa kayong mga talipandas kayo. Ang haharot niyo,” nanggigigil na bulong ko. Gustong-gusto kong sigawan ang mga tao sa labas.
I closed the window and sat on my bed.
Alam ba ng magulang ni yabang ang ginagawa nito kapag wala sila? Napakamapagsamantala niya. ‘Di porket' wala ang mga magulang niya, ganito ang ginagawa niya sa bahay nila? Binababoy?
Napailing ako. Hindi ito pwede. Magagalit si Tita Elena at Tito Eduardo. Nasa ibang bansa nga pala si Tito. Pero dahil wala dito ang Papa niya, nagagawa niya ang ganyang mga kahalayan!
Tumayo ako. “Hindi pwede ito! Magagalit talaga ng bongga sina Tito at Tita. At saka ayoko ng ganito na may kasamang mahahalay sa bahay. Hindi matutuwa nito sina Mama at Papa. No. I have to do something about this. I need to stop them!” Napapitik ako sa hangin. “Yeah. Stop them immediately! That girl might get pregnant and well…” I paused. “Pipikutin kaya niya si yabang?" Bulong ko sa sarili ko. Para akong luka-luka na nagmo-monologue.
Naligo muna ako bago nagbihis ng maayos na pambahay. Alangan namang humarap ako sa giyera ng hindi handa.
I curled my hair, wore a white sleeveless blouse, and a faded maong shorts.
I smirked. I opened the door and went downstairs.
"Hey, babe. Who are you?" Salubong sa akin ng isang cute na lalaking chinito. Ka-frat yata ni yabang. Mukhang galing sa kusina at kumuha ng beer.
Inirapan ko ito. "Babe mo mukha mo! Hindi ko kamag-anak si Piglet ni Winnie the Pooh."
Bago ko siya iniwan ay nakita ko pa kung paano lumaglag ang panga niya. I smiled wickedly.
Dali-dali akong lumabas ng main door, But then, I stopped for a while. What will I say? At parang kidlat na biglang dumating ang isang napakagandang ideya.
Dumiretso ako sa garden. Nakita ko naman agad si yabang at si harot. Nakakalong pa talaga si harot kay yabang.
Halos lumabas naman ang eyeballs ni Karlito sa pagkagulat ganoon din ang mga kasamahan nito.
"W-what are you doing here?" Hindi ito magkandatuto.
I smirked. Then, I heard whistles.
"Wow, Pare. Who's this chick? Why is she in your house?" Tanong ng isang ka-frat nito. Kilala ko ito—si Hanz. Naging classmate ko ito sa isang subject. Grabe ha. Ano’ng memorya meron ito at hindi ako kilala?
Nakatingin lahat sila sa akin. Namamangha ang tingin ng ibang members ng frat ni yabang, habang ang iba naman ay gulat na gulat. Iyong si harot, tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay ismid.
Si KJ naman ay kulang na lang pasukan ng langaw ang bibig sa laki ng pagkakanganga.
"Honey, who’s the bitch?" The girl smirked. Bigla itong yumapos kay KJ.
“Bitch? Ang labi mo, ‘te. Daig pa ang kinagat ng isang libong bubuyog,” bulong ko sa sarili.
Lumapit ako sa harap ni Karlito at sa babaeng nakakalong rito. I raised my brow and smiled."Well, I'm just here...to get my husband."
All their jaws dropped.
This is the game you want to play, KJ? Fine, I'll get along. This is fun. You are funny after all.
Just by looking at him, I was sure he's damn shocked.
"Excuse me," taas kilay kong sabi sa babae. I grabbed KJ's hand.
Nagpaubaya naman ito at tumayo. Muntik pa ngang mahulog ‘yong babae.
Mukha namang nakabawi na si yabang sa pagkagulat dahil pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang kanyang ngiting unti-unting sumisilay.
We're not done here, jerk. I looked at him coldly.
Then, I slapped him. Sinampal ko siya for the second time.
Kung kanina, gulat lang ang lahat, ngayon, they all gasped in astonishment.
"Oh wow. Fierce." I heard someone commented.
"Mister, 'di ba sabi ko naman sa'yo, don't flirt around when I'm here?" I said while giving him an oh-so-plastic smile.
Hindi nakaimik si yabang. I saw how shocked he was.
I smell victory here. I smiled wickedly.
Lumapit ako sa kanya. Sa paningin ng iba ay mukha kaming magkayapos. Nilapit ko ang bibig ko sa kaliwang tainga niya. “I told you, mahirap akong kalaban, KJ. You shouldn't have started this war. And right now, the war that you started will be the end of your life,” I whispered, feeling triumphant. You lost, jerk! Nothing beats the joy of winning over an enemy.
I was about to walk away when he grabbed my arm.
Uh-oh. I think he now knew what I was doing.
He grinned.
I gasped. Holy cow! I know that smile. Pinilit kong tanggalin ang pagkakakapit niya sa braso ko pero mahigpit ang kapit niya.
He cleared his throat, faking remorse. "Sorry na, Misis ko. Hindi na po mauulit," he smiled viciously.
My eyes widened. Crap, crap, crap! Gaganti siya!
He smirked. "From now on, I promise to kiss you and only you."
And in front of everyone, he suddenly hugged me...and kissed me.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum