Copyright © ScribblerMia, 2012
"Ano ba?!" Naiinis kong sabi kay KJ na nakikiagaw ng popcorn."Bakit ang damot mo? Para nakikihingi lang eh."
"Bakit kasi ang takaw mo? Inubos mo agad ang sa'yo tapos sa akin ang isusunod mo?" I glared at him. I didn't know if he saw it. Madilim kasi sa loob ng sinehan.
Ito kasing KJ na ito, trailers pa lang ang pinapalabas, walang tigil na ang papak sa popcorn. Tapos no'ng naubos na ang kanya (no'ng simula pa lang ng Batman), nanghingi na. Binigyan ko naman. Tapos nanghingi ulit. Binigyan ko ulit. Nanghingi na naman, binigyan ko na naman. Tapos nanghingi ulit?
"Penge na kasi," pagmamakaawa nito.
"Why don't you go outside and buy again?! You freak!"
"I might miss some exciting scenes in the film."
"Well, it's not my problem anymore. Face the consequences of your gluttony," sabay tingin ulit sa harapan.
Bigla na namang kumuha ng popcorn si KJ.
"Putek!"
"Shhhh."
"Hoy, 'wag nga kayong maingay."
"Nakakaistorbo kayo."
Ayan. Nakakahiya. Sinaway pa kami ng mga tao sa sinehan.
Kasi naman eh, bakit ba ang takaw ng damuhong ito? Kakairita.
"Pahingi pa," untag nito.
"Pwede ba? Why don't you just see the movie and stop pestering me? You're getting into my nerves, dumbass!" I gritted my teeth.
"Pahingi nga. Ang damot mo. Ako naman ang bumili nito ah!"
"So dahil ikaw ang bumili, may karapatan ka ng ubusin ang pagkain na binigay mo sa iba? Gano'n ba ha? Gano'n?"
Hindi naman ito nakaimik agad.
Ah gano'n pala? Pagbigay niya, may karapatan pa rin siya sa bagay na binigay niya. Pwes!
"Oh! Ayan! Isaksak mo sa baga mo ang popcorn na iyan!" Sapilitan kong sinaksak sa dibdib niya ang popcorn.
"Wait! T-teka."
Hindi ko siya pinansin at tinuon ang paningin sa pinapanood.
"Shit," reklamo ni KJ.
NIingon ko naman siya and...ermengard!
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum