Epilogue

699K 10.6K 4.1K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012

“Seriously, Karl Jonathan Dominguez?!” I shouted.

He ignored my remark. Instead, he kept eating grapes.

I looked at the night sky. Dear Lord, why? Remind me again why I fell in love with this guy.

I returned my gaze to the guy in front of me. “Sobrang kuripot ever,” I muttered.

“I called this being resourceful,” he said nonchalantly.

I heaved a frustrated sigh as I looked at my surrounding.

Nasa labas kami ng gate nila. May nakalatag na telang kulay pula kung saan kami nakaupo. May mga pagkain sa gitna, iba’t-ibang uri ng junk food, chocolates, prutas, at inumin. May isang bote rin ng wine sa gitna at tatlong kandilang nagsisilbing liwanag sa mga pagkain. Pero maliwanag pa rin naman ang kapaligiran dahil sa ilaw ng poste sa tapat ng bahay nila. Malapit kami sa kalsada kaya halos umikot ng 360 degrees ang eyeballs ko dala ng matinding pagkayamot.

“Nakakahiya! Pinagtitinginan nila tayo!” Sabay turo ko sa mga taong dumadaan. Nakatingin sila sa amin at nakangisi. Halos takpan ko ang mukha ko dala ng matinding kahihiyan.

“Ignore them.” Patuloy pa rin ito sa pagkain. Ngayon naman ay malaking Piattos ang napagdiskitahan nito. He was wearing a plain black shirt and maong pants. Naka-leather brown na tsinelas lang ito. Nakabonnet pa siya na gray habang kumikintab ang hikaw nito sa kabilang tainga. Ang gwapo gwapo sana, kaya lang ang sarap-sarap ding tusukin ng ngala-ngala.

“Ang gwapo ko noh?” He smirked as he wiggled his eyebrows.

I rolled my eyes. “Is this the date you are talking about?” I asked incredulously.

He nodded and grinned.

“Unbelievable!” Pinaypay ko ang sarili ko para kumalma. Tumataas ang alta presyon ko sa lalaking ito.

Tiningnan ako nito saglit mula ulo hanggang paa bago ngumisi. Patuloy ito sa pag-nguya ng grapes.

Tumaas ang isang kilay ko. “What’s funny?” Nakaamba ang isang kamao ko sa kanya.

Tinaas nito ang dalawang kamay. “Hey, hey. Easy.” He chuckled.

“Aba! Sina Karl ba ito at Astrid?”

Sabay kaming lumingon ni KJ sa babaeng nakatayo sa harapan namin at nakangiti.

“Na Josie? Kayo po pala,” magalang na bati ng magaling na lalaki. “Kain po.”

Ngumiti lang si Na Josie, ang may-ari ng tindahan malapit sa bahay namin. “Sige lang, hijo. Napadaan lang ako nang mapansin ko kayong dalawa.” Tumingin siya sa akin at kay Karl. “Sabi ko na nga ba, sa huli kayo rin ang magkakatuluyan.” Iiling-iling pa ito bago tumalikod at naglakad palayo.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon