Copyright © ScribblerMia, 2012
“Selosa.”
Sumimangot ako. Paulit-ulit ko nang naririnig iyan. Kanina pa sa bahay, sa kotse, at ngayon naman, hanggang dito sa supermarket!
Ano ba'ng problema ng lalaking ito? Akala naman niya nagselos ako sa kanila no'ng Natalie na iyon? Excuse me? Alam kong mas maganda at mas sexy ako doon. Idagdag pa na mas matangkad ako doon. So, bakit ako magseselos noh? Ang feeler!
Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar niya. Mahirap na, baka mamaya pag hindi ko napigilan ang sarili ko, lumupasay ito sa sahig sa tindi ng suntok sa mukha na ibibigay ko sa kanya. Ayaw kasing tumigil, eh. Kanina pa siya. Napipikon na ako.
“Ano pa ba'ng bibilhin?” Tanong nito bigla habang umiikot ang mata sa mga palaman na nakahilera.
“Tse! Echoserong feeling gwapo,” I murmured.
“Are you saying something?” Sumulyap siya sa akin.
“Wala,” I answered. Saglit kong inayos ang mga items na nasa cart.
“So what else do we need to buy?” He asked again.
“Eden cheese.” Kumuha ako ng tatlong Eden cheese at nilagay sa cart.
“Huh? Gusto ko cheezewhiz,” sabi naman nito sabay kuha ng tatlong cheezewhiz.
“Eden ang gusto ko.”
“Cheezewhiz nga ang gusto ko, eh!” Nilapag nito ang tatlong cheezewhiz sa cart.
“Eden!”
“Cheezewhiz!”
Nagsukatan kami ng tingin.
“Cheezewhiz na nga eh,” pagpupumilit nito.
“Eh, gusto ko nga Eden!” I answered back.
“E ayoko nga—“
“Karl?”
Bigla kaming napahinto sa pagtatalo nang marinig ang boses na iyon.
That familiar voice. That voice that always made me shiver.
I turned around, and just as I thought.
It’s been years. How could I forget that face? That face that made my heart jump in glee.
“Harold,” marahan kong bulong.
“Astrid?” Kunot-noong tanong nito nang makita ako. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.
“H-hey,” I greeted.
Harold smiled.
“Hello, Karl! Hi, Astrid!” Biglang sulpot ng isang babae sa likod ni Harold.
Charice? What on earth was she doing here?
Bigla naman itong kumapit sa braso ni Harold.
Tumango lang si Karl.
I just smiled at them. Napasulyap ako sa kamay ni Charice na nakahawak sa braso ni Harold.
Charice gave me an annoying smile.
I frowned. What was that for?
“Magkasama ba kayo?” Harold asked habang nakatingin sa aming dalawa ni KJ, sabay sulyap sa cart namin.
I cleared my thoat. Mahigpit akong napakapit sa cart. “Uh. Well, we’re just—“
“Magkasama kami.” KJ cut my words. Bigla ako nitong inakbayan.
Nagulat naman ako. Napatingin ako bigla kay KJ at sa kamay niyang nakaakbay sa akin.
“Oh. I see.” Harold said with a smile. Tumingin ito sa nakaakbay na kamay ni KJ sa balikat ko.
Was it my imagination when I saw a glint of pain in his eyes for a second? Probably.
Marahan kong siniko si KJ at pinandilatan ng mga mata. Problema na naman nito? May paakbay-akbay pang nalalaman. Alam naman niyang kaharap ko ngayon ang first love ko. Mahirap na, baka kung ano pa'ng isipin ni Harold tungkol sa aming dalawa ng KJ na ito.
Hindi naman ako pinansin ni KJ. “Eh, kayo, magkasama ni Charice?” Tanong nito sa dalawa.
“Yes.” Si Charice ang sumagot. "Actually, namimili rin kami ng grocery items for our monthsary. 'Di ba, baby?” Ngumiti ito ng malambing kay Harold.
Baby? Monthsary? Sila ba? Sila na? Kailan pa? Bakit? What? Bakit hindi ko man lang ito nalaman? Bakit walang nagsabi sa akin? Sa mga kaklase namin? Nakakatext at nakakachat ko sila sa Facebook, pero bakit hindi nila ito nabanggit? Nilihim ba nila sa akin? Si KJ? Alam kaya niya? Halo-halong mga tanong ang tumatakbo sa isipan ko.
Biglang sumikip ang dibdib ko.
Humigpit naman ang akbay ni KJ sa akin. He looked at me with a concerned face. Alam siguro nito ang nararamdaman ko ngayon.
Parang dinudurog ang puso ko sa sakit. Parang biglang nawala ang hangin, unti-unti akong hindi makahinga. Sa gulat? Sa inis? Sa galit? Sa sakit? I was having a myriad of emotions and thoughts.
Naramdaman kong nag-init ang mga mata ko. No. Hindi ako pwedeng umiyak sa harap nila. Baka pagtawanan lang ako ni Charice. Baka kung ano pa ang isipin ni Harold.
Napayuko ako at napakapit ng mahigpit sa damit ni KJ.
Marahil naramdaman naman nito ang pagkapit ko, kaya nagulat ako nang bigla niya akong niyapos at hinalikan sa buhok.
Sa gulat, napatingin ako sa kanya. He just gave me a reassuring smile and then looked at Harold and Charice with a serious face.
“What a coincidence! Kami rin, eh. We are buying grocery items. You see, magmomovie marathon kami mamaya.” KJ smiled widely. 'Di ba, asawa ko?”
“Asawa?!” Sabay na tanong nina Harold at Charice.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum