Copyright © ScribblerMia, 2012
Sino'ng mag-aakala na ang taong ito ay leader ng isang frat?
Sino'ng mag-aakala na ang taong ito ay sobrang samang magalit? Mainitin ang ulo, kupal, at mahilig mang-asar?
Grabe. Sana forever ka na lang tulog, KJ. You look like an angel.
How can someone like you be so sweet and caring and yet, can be dangerous at times?
Masyadong nalasing si KJ sa swimming namin kagabi. Hindi na niya kinayang mag-drive ng sasakyan kaya hinatid kami ni MJ. Siya na ang nag-drive ng sasakyan ni KJ. Tulong din kami ni MJ na alalayan si KJ hanggang dito sa sofa. Grabe. Ang bigat niya at ang baho. Amoy alak na ewan na amoy pulutan.
Bakit nga ba siya nalasing ng bongga?
Kasi, he took all the shots that were supposed to be mine. Pinipigilan ko siya, pero ayaw niyang paaawat. Ang dahilan niya, gusto raw niyang uminom at masarap ang alak. So ang nangyari, kahit isang patak ng alak ay hindi ko natikman. Thank you, KJ. Sinolo mo talaga e noh? Lasenggo. Hmp.
Kasalukuyan ko ngayon pinupunusan ang noo ni KJ ng basang towel, baka sakaling mahismasan. I looked at my watch. 6:00 am. Sa itsura ng lalaking ito, hindi na kami makakapasok. Oh well. Okay lang, wala naman kaming masyadong gagawin dahil kakatapos lang ng exams. Makikikopya na lang ako ng notes sa mga kaklase ko.
Hay. Naku. Ngayon lang ako aabsent. Sayang ang attendance. May minus .25 pa naman kami sa ENG5 kapag complete attendance sa buong term. Peste kasi itong Karl Jonathan na ito. Nawala tuloy ang bonus point ko. Sayang.
Natuon ulit ang pansin ko sa lalaking natutulog. I sighed. His cheeks are chiseled like a finely-carved statue of Michelangelo, Bernini, and Raphael. And that nose, which is perfectly symmetrical. Even that slightly full lips, almost strawberry-like. His cute dimples. And oh, did I ever mention that he has a cleft chin? Yes, he has. How can someone have a perfect face like his?
Uh. But wait. Now, where did I get those effin' and yucky descriptive words? At talagang ginamit ko pa ang mga famous painters na sina Michelangelo, Bernini, and Raphael para lang idescribe si KJ? Napailing ako. Nababaliw na yata ako.
Tulog na tulog pa rin si KJ. Ni hindi ito halos gumagalaw. Bagsak na bagsak ang katawan dala ng matinding kalasingan. Kawawang bata. Pero buti na lang, hindi siya sumuka. Tindi ng sikmura niya sa alak. Nakadamit pa rin ito. Hindi naman ako nag-dare palitan pa. Bukod sa hindi ko siya kaya dahil mabigat siya, ayoko ring makita ang katawan niya. Baka manyakin ko pa siya, este baka mapagkamalan niya pa akong manyak.
Tinitigan ko lang ang tulog na si KJ.
I sighed. I can't believe it. Unti-unting bumabalik ang dating KJ na nakilala ko. Ang dating masayahin, palangiti, makulit, pang-asar, at madaldal na si KJ.
I smiled. "What happened to you? Bakit bigla kang nagbago no'ng nag-high school tayo? Palaaway ka na, palamura, mainitin ang ulo, laging nakasimangot, suplado. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung anong dahilan ng biglaan mong pagbabago. Pero, I'm still happy. Sa mga pinakita mo kagabi nong swimming at nitong mga nakaraang araw, the KJ I know is returning. Nagbabalik ka na ulit,...Karl."
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum