Copyright © ScribblerMia, 2012
What happened? Ano'ng sinabi ni KJ sa HUM2 class namin?
After the incident, biglang nagsigawan ang mga classmates naming. Tinutukso nila kaming dalawa. Akala yata nila, mag-on kami. Pati si Sir, nakisali na rin.
Ano'ng problema nila? Ano'ng nangyayari sa mundo? Ano'ng problema ni KJ?
Alam niyang matatameme talaga ako sa sinabi niya. He's such a cheater. Mautak talaga ang mokong. Sayang. Natameme ako doon, e.
Napasabunot ako sa buhok ko. Natapos ang maghapon kong klase pero wala ako sa sarili. Paulit-ulit ko kasing naaalala ang sinabi niya eh.
“This feeling, this happy feeling whenever I see you, whenever I’m with you, whenever I hold your hand…sa tingin mo ba , socially constructed lang din ang nararamdaman ko sa’yo?”
Of all the arguments, why did he say that? Unfair! How would I answer that damn question when I couldn’t even think straight due to this stupid heart beating quickly? Was I eating my own words? My stupid heart beating quickly? Oh, come on! Gibberish.
Binalibag ko talaga ang pinto pagpasok na pagpasok ko ng bahay. Kasunod ko naman si yabang.
“Chill. Mahal ang pinto namin, baka masira mo, " sabi nito na natatawa pa.
I ignored him and went to the kitchen. Kailangan kong magmerienda. Kung hindi, makakain ko ng buhay ang KJ na ito, idagdag pa na inis ako sa kanya.
Pagbukas ko ng fridge, nanlumo ako sa nakita ko.
“Hoy! Wala na tayong pagkain!” I shouted from the kitchen.
“I know. We need to go to the grocery store,” he shouted back from the living room.
“Tinatamad ako. Ikaw na lang. Bibili muna ako sa tindahan, hindi ko na kaya ang gutom.” Dali-dali akong lumabas ng kusina at dumiretso sa pintuan.
“Wait.” Pigil ni KJ.
“What?”
“Let’s go together. I’m also hungry, you know.” He winked.
“You know, you know. You know mo mukha mo!” Tumalikod ako at diretsong naglakad palabas ng gate.
Umagapay naman sa paghakbang ko si yabang.
“Sungit mo. Meron ka?” Tatawa-tawang tanong nito.
“Oo. Meron ako. Meron akong ballpen sa bulsa na dala. Kung ayaw mong tusukin ko ang bunganga mo, tumahimik ka na lang.”
Tumawa naman ito ng malakas at hindi na nagsalita pa.
Nang makarating sa tindahan ay naghagilap ako ng barya sa bulsa. “Na Josie, pabili nga hong dalawang bananacue,” sabi ko sa matanda habang nagbibilang ng barya.
“Gawin niyo na pong lima. Sa akin po ang tatlo,” singit ni KJ sabay abot ng bayad kay Na Josie.
Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Oh well, at least nanlibre siya.
“O? Mukhang magkasama na ulit kayo, ah. Ngayon ko na lang kayo ulit nakitang magkasama," sabi ng matanda habang nakangiti.
Ngumiti lang kami ni KJ at nagkatinginan, sabay inirapan ang isa’t-isa.
“Karl!” Tili ng isang babae na nakashorts na pagka-ikli-ikli. Makapal ang make-up niya, at sa totoo lang, mukha na siyang clown sa itsura niya. Ano ba'ng meron sa napakalaking earrings niya? Gypsy ang peg niya?
Hindi ako bitter. I was just explaining the things I noticed about her based on my empirical observation. Kababata naming si Natalie at hindi lingid sa kaalaman ng mga tagadito na deds na deds ito kay Karlito. Malamang, bata pa lang kami, crush na crush na niya ito at halos sambahin niya ang ngalan nito.
Noon ngang nagbabahay-bahayan kami, ang gusto niya, siya ang Nanay at si KJ ang Tatay. Tapos ang gusto niya, ako ang Lola. Wow ha. Siyempre, hindi ako pumayag. Kaya naging ako ang Tita. Tapos tuwing naglalaro kami ng habulan, ako ang lagi niyang tinataya para magkasama silang tatakbo ni KJ. Minsan naman kapag naglalaro kami ng soccer, sila ang teammates tapos ako ang water girl kasi lampa raw ako at mabagal tumakbo. E 'di sila na ang runners. Hiyang-hiya naman ako sa speed nila.
Kinaiinisan ko ang babaeng iyan. Actually, the feeling was mutual. Bata pa lang, hindi na talaga kami magkasundo at hindi na yata kahit kailan magkakasundo.
“Hello,” bati ni KJ habang nakangiti.
“Pacute,” I murmured.
Tumingin lang si KJ at ngumiti ng mapang-asar.
“Namiss kita! Ngayon na lang ulit kita nakita. Ang gwapo mo pa rin," sabi ni Natalie sabay lagay ng kamay sa braso ni KJ.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nakatingin lang ako sa nilulutong bananacue ni Na Josie.
“Ngayon lang ulit nakagala sa street natin, eh," sagot naman ni KJ.
“Labas naman tayo minsan. Bonding-bonding lang.”
“Sige ba.” KJ smirked.
“Bonding bonding. Eh, kung i-bond ko kaya kayong dalawa? Iyong tipong pagbubuhulin ng bongga?” I commented.
“Talaga? Wow!” Pumapalakpak pa ang Natalie. “Akala ko kasi hindi ka papayag. Dati kasi, suplado ka, eh. Tuwing tinatawag kita, hindi ka lumilingon. Buti ngayon, kinausap mo na ako,” she smiled seductively.
Napakamot si KJ sa ulo. “Hindi naman. Marami lang siguro akong iniisip noon,” palusot nito.
Weh. Suplado ka naman talaga eh.
“Ikaw talaga.” Mas hinigpitan pa nito ang hawak sa braso ni KJ. Kulang na lang ay yumapos na talaga ito.
Patuloy lang silang nag-uusap habang ako ay abala sa panonood ng pagluto ng bananacue.
Nang matapos si Na Josie sa pagluluto, inabot ko na lang ang mga bananacue at tumingin sa dalawang busy sa pagtatawanan at pag-uusap.
“So, pwede ba akong pumunta sa inyo mamayang gabi?” Natalie winked at KJ.
“Oo naman. No problem.” He smiled.
Huh? Nakakalimutan niya yatang kasama niya ako mamayang gabi at mamimili pa kami ng grocery items?
“Ah. Excuse me lang,” singit ko sabay tayo sa pagitan nilang dalawa.
“Oh, Astrid. Nandito ka pala,” sabi ni Natalie na parang nang-aasar.
“Ah, oo.” I smiled. “Actually...” Bigla kong hinawakan sa braso si KJ. “Magkasama kami. Kaso, ang malandi at haliparot na boyfriend ko ay pinababayaan yata ako.” I glared at KJ.
Nagulat naman silang dalawa pati si Na Josie sa ginawa at sinabi ko.
I faked a smile. “Hoy, Mister. Kung mambababae ka, ‘wag naman sa harapan ko. Okay? Kasi kung uulitin mo pa iyan, babambuhin ko ang mukha mo. Maliwanag?”
Napatango naman ng sunod-sunod si KJ. Halatang naguguluhan ito at nagulat.
“Good. Ah, Natalie. Hindi ka pwedeng pumunta sa bahay nila mamaya. Magkasama kasi kami sa kanila mamaya, e. Ayoko ng istorbo.” I smiled sheepishly.
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Hinigit ko na agad si KJ palayo.
You don’t mess up with me. I’m bitchier than you. Naisip ko habang naglalakad.
Sa wakas, nakaganti rin ako sa'yo, Natalie. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Gusto kong magpagulong-gulong sa kama habang tumatawa. Her face was epic.
Naglakad ako ng may ngiti sa labi. Pero bigla akong nakarinig ng mahinang tawa. Paglingon ko, bigla akong napangiwi.
Magkahawak-kamay kaming naglalakad ni KJ. May ibang kapitbahay na nakatingin sa amin.
At si KJ...abot-tainga ang ngisi.
Oh Lord. Not again!
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum