Copyright © ScribblerMia, 2012
After he sang last night, I had a different feeling when I woke up.
Happiness? Maybe.
Was I falling for his trap? No. I shouldn't. I can't because I sure damn know that this was just a game for him.
He wanted me to fall for him. No. I wouldn’t allow that, not in a million years.
"Astrid! Karl is here." I heard my mom called.
I hurriedly ran downstairs. I quickly grabbed two sandwiches on the table. Mahirap na magutom, baka hindi ako makapasa sa long quiz eh.
Paglabas ko ng gate, nakita kong nakatayo si yabang at nakasandal sa kotse niya. He's wearing a white shirt underneath his light blue polo shirt. His two hands were inside the pockets of his jeans, looking dashing, and yes, sexy.
I blinked. Ano ba’ng sinabi ko! Anak ng tinapa! Dashing and sexy my foot!
I composed myself and tried to remain calm.
Dire-diretso ako sa kotse niya at hinawakan ang pinto para pumasok. Kaso, bigla niyang hinawakan kamay ko.
Napapitlag naman ako at tumingin sa kanya.
"Let me do the honor, Princess," he said in a sarcastic tone. Then, he smirked.
I was dumbfounded.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan habang nakahawak pa rin sa kamay ko.
Sana man lang hinayaan muna niya akong tanggalin ang kamay ko 'di ba? Keysa iyang bubuksan niya ang pinto at nakapatong pa talaga ang kamay niya sa kamay ko. Chancing pa, e.
--
While we were on our way to school, he broke the silence. "After your class, meet me at the library by 2:00 pm,” he said in an authorized tone.
I gave him a what-for look.
"Special project, remember?" He put emphasis to the word “special.”
Tumango na lang ako. Wala kasi talaga akong balak kausapin siya.
Iyon lang ang naging usapan namin sa buong byahe. Tahimik lang akong nakamasid sa daan habang siya ay tahimik ding nagmamaneho. NakaiPod pa si KJ. Sana lang hindi kami mabangga dahil baka hindi niya marinig ang mga busina ng sasakyan.
Nang magsawa ako kakatingin sa paligid, kinuha ko ang libro ko para magbasa ng "The Kite Runner” ni Khaled Hosseini.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nagbabasa, kaya iba’t-ibang ekspresyon din ang pinapakita ko. Alam kong napapatingin si KJ sa akin, but I ignored him.
Hindi ko tuloy namalayan na nakarating na kami sa school at mabilis siyang lumabas ng sasakyan.
"Where is your class?" He said with his baritone voice.
"NCAS Building," I answered slyly.
Naglalakad kami along Carabao Park papunta sa classroom ko. I also noticed the glances most people were throwing. Oo, nakatingin sila. Ang iba, nakatitig. Ang iba, napapasulyap pero umiiwas agad, lalo na ang mga lalaki. Ang mga babae? Ayon, dinaig pa ang ningning ng mga bituin sa mga mata nilang kumukuti-kutitap.
Gwapo na ba ang impaktong ito sa paningin nila?
Diretso pa rin kami ng lakad. Tiningnan ko si KJ pero poker face lang siya. Hindi ko tuloy namalayan ang paglapit ng tatlong lalaki.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum