Chapter 10

972K 11.4K 1.7K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

Nakakaiyak ang araw na ito. 

Dumiretso na ako sa kwarto ko at hinanap ang iPod ko. Kapag depressed kasi ako, musika ang kasama ko. It’s my stress-reliever and my bestfriend.

Nakaka-stressed kasi ang makipagtalo kay yabang. Halos araw-araw kaming nagbabangayan. Nakakaubos ng energy. Kaya kailangan ko muna ng pampakalma dahil na-HB ako sa kanya.

Pinasak ko sa tainga ko ang earphones. 

Back to you, it always comes around.

Back to you...

I tried to forget you.

I tried to stay away.

But, it's too late...

I closed my eyes. It’s always like this. I felt like I could relate to every song.

As I was listening to this song, I suddenly remembered a painful past that happened two years ago.

*flashback*

 Grade 3

"O, class, may bago kayong classmate. Galing siya sa St. John School.” Ms. Villanueva smiled. “Come here, Harold, and introduce yourself." Kinawayan nito ang bagong classmate daw namin. Nasa labas kasi siya ng pinto kaya hindi pa namin makita.

Parang slow motion sa paligid ko ang lahat nang pumasok siya.

Para sa edad niya ay tama lang ang kanyang tangkad. Medyo maputi siya at mabilog ang mga mata.

Grabe. Ang cute cute naman niya. 

"Hi! I'm Joseph Harold Enriquez. I'm nine years old. Nice to meet you, classmates." He smiled.

Nagsigawan naman kaming mga babae sa kilig. Sumimangot naman ang ibang lalaki lalong-lalo na ang katabi ko.

 "Okay, class. Calm down. Quiet na. We will start our lesson," saway sa amin ni Miss Perez.

We fell silent.

"Saan ba siya pwedeng maupo?" Umikot ang pangin ng teacher namin. "Ah! Sit beside Astrid na lang. There, sa dulo."

Tumango si Harold at humakbang palapit sa pwesto ko.

 I blushed. 

Hindi naman ako loner. Sa katunayan nga ay may katabi ako. Tatluhan kasi iyon. Ako ang nasa gitna at bakante ang upuan na nasa kanan ko.

At naglakad na nga si Harold papunta sa upuan niya. Nang makaupo siya, binati ko siya.

"Hello! I'm Astrid," ngiting-ngiting sabi ko. Inilahad ko ang kamay ko para magpakilala. 

Ngumiti lang siya at hindi tinanggap ang pakikipagkamay ko. Pagkatapos no’n, tumingin na siya sa unahan at nagsimulang makinig sa teacher namin.

I was hurt because he ignored me. Parang napahiya ako sa hindi niya pagtanggap sa pakikipagkamay ko. Nag-color na lang ulit ako sa aking coloring book. Ang sama-sama ng loob ko.

"Belat. Buti nga," pang-aasar ng isa pang katabi ko. 

 Tiningnan ko ng masama ang isa pang batang lalaki sa kaliwa ko.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon