Chapter 1

1.9M 22K 3.1K
                                    

Copyright © ScribblerMia, 2012



"Mama," I called. Dali-dali akong bumaba sa hagdanan. Kamuntik pa akong mahulog nang sumabit ang paa ko sa panghuling baitang. I cursed silently as I searched for my bag.

"Oleya Astrid!" Mama shouted back.

"I'm going." Nang makita ko ang backpack ko na nakapatong sa sofa ay mabilis ko itong binitbit habang sinusuklay ang gulo-gulo at basang buhok ko.

"Aren't you eating breakfast?"

Saglit ko siyang nilingon. "No." Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng pinto.

"Astrid!" Mama yelled. Nakatayo siya malapit sa dining table habang bitbit ang tray na may sandwich at coffee.

Ganito ba talaga pag only child? Overprotective much ang mudra at pudra? Napailing na lang ako.

"I'm late. Bibili na lang ako doon ng pagkain, Ma. Bye." Nagmadali na akong maglakad papunta sa kanto para mag-abang ng tricycle.

Narinig ko pang sumigaw si Mama at tinawag ang pangalan ko, pero hindi ko na lang siya pinansin.

Mabilis at malalaki ang hakbang ko. Mukhang masamang pangitain yata 'to. First day of school at late ako. That thought made me shiver.

Diyos ko po, Lord. 'Wag naman po sana.

I sighed. Ito na nga ba kasi ang sinasabi ko, e. Bakit nga ba kasi ako nag-uwian pa ngayong semestre?

Nang makarating ako sa kanto ay dali-dali kong binuksan ang bag ko at kinuha ang journal ko. I checked my schedule.

My classes would start at 8:30 to 2:30 in the afternoon. I didn't have classes every Monday. I would have smiled if not for the time. It's 7:00 in the morning already. Almost two hours pa ang byahe ko galing sa Alaminos papunta sa University of the Philippines Los Baños.

Napailing ako. Grabe, naturingan akong second year na pero mukhang late ko. Nakakahiya sa professor ko. Ano ako, freshie? Naligaw ng classroom?

Pero kasi...isang taon din akong nag-dorm dahil sa pangit kong schedule. Sobrang na-homesick talaga ako. I cried whenever I wasn't able to attend family celebrations like birthdays, despedidas, anniversaries, etc. However, I now had a wonderful schedule. Sadyang inayos ko ito dahil hindi na talaga ako papayag na mag-dorm pa.

No way! Over my dead and sexy body! Napangiti ako sa sarili kong joke. Ang corny ko talaga.

Ano ba iyan? Sa sobrang taranta, e, para na akong baliw na nagsasalita ritong mag-isa.

Tinago ko na ulit sa bag ko ang journal ko at tumingin sa kalsada.

I checked my watch again. It's now 7:05. Holy mother of cats and dogs!

Halos limang minuto na akong naghihintay pero wala pa rin ni anino ng tricycle sa daan.

Napapadyak ako dala nang matinding inis.

Habang kandahaba ang leeg ko sa pagtingin ng tricycle na maaring dumating ay nakarinig ako ng malakas na busina mula sa kotseng pula na nasa gilid ko. Napatingin ako rito at napatalon ako sa gulat.

"Hey! Are you nuts?!" I asked angrily while looking at the black tinted window of the car. "Umagang-umaga naman, oh. Kay malas ko naman." Napakamot ako sa ulo dala ng matinding inis.

Dahan-dahang bumaba naman ang bintana ng kotse at dumungaw ang driver.

OMG! No way! Is this some kind of a serious crap?

"Sakay na," seryosong sabi nito habang nakatingin sa mukha ko.

Would you look at that? It's the mighty Karl Jonathan Dominguez, ang suplado kong kababata at kapitbahay.

Himala yata. Ano'ng tipaklong ang nakain nito at inaalok akong sumakay sa kotse niya? Baliw ba 'to? Niyayaya niya akong sumakay? Or is he asking me out on a date? OMG talaga. Napangiti ako sa walang kwentang ideya na naisip ko na dala marahil ng gutom.

"Ano ba 'yan! Kung anu-ano na lang ang naiisip ko," I whispered to myself.

"Hey!" Kunot-noong sabi nito. Walang kangiti-ngiti.

"Ha?" I blinked twice.

"Bingi ka? Sabi ko, sakay na?" Halos magsalubong ang dalawang kilay nito. Halatang naiinip na.

"Sino? Ako? Ako ba?"

Umirap ito. "Hindi, 'yang poste sa tabi mo," he said sarcastically. "Sino pa ba'ng ibang tao dito? Malamang ikaw, 'di ba? Hindi naman siguro ako duleng, 'di ba?"

Napakamot ako sa batok. "Ah. E, papasok ako, e." Ngumiti ako ng pilit ditto.

"I know," he said as if he was talking to a stupid person.

Nawala bigla ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo ko. "So bakit mo ako pinapasakay?" Bakas ang pagkairita sa boses ko. Nandito ba siya para lang mangbwisit ng tao?

"Alangang paliparin kita o sagasaan, 'di ba?"

" Aba't! Antipatiko ang—"

"Ano? Sasakay ka ba o hindi?" Nakamulagat niyang tanong.

"Ah. Eh." Napakamot ako sa noo ko at napangiwi. Sasakay ba ako o hindi?

"Male-late ka na sa school, 'di ba? Kaya sumakay ka na," iritableng sabi nito. Binawi nito ang tingin at bagkus ay tumingin sa unahan habang mahigpit ang hawak sa manibela.

Nakatingin lang ako sa kanya na nahihiwagaan. Ano ba'ng sinasabi ng lalaki na 'to? Bakit niya ako pinasasakay, e, alam pala naman niyang papunta akong school? Taga-Ateneo siya, e. Engot ba 'to? Hindi naman one-way ang papuntang UPLB to Quezon City. At sa itsura nito na halatang bihis na bihis at bagong paligo, malamang ay papasok na rin ito sa school niya.

Nang hindi ako nagsalita ay bigla ulit itong tumingin sa akin. "Ano?" Pasigaw niyang tanong. Halatang naiinip na.

"Aren't you going to class?" I asked instead.

"Of course, I'm going. That's why you should hurry up and just get in!" He gritted his teeth.

Nagmatigas pa rin ako at tinaasan siya ng isang kilay. Mahigpit ang kapit ko sa backpack ko. "E, hindi naman one-way ang papuntang Ateneo at UPLB, 'di ba?" Halos pasigaw ko na ring tanong. This guy's weird. Ang gwapo pa naman sana. Kaso may pagka-tanga. And wait, what happened to the Almighty Karl na laging naka-poker face? Minsan nga pagdumadaan 'to sa street namin, gusto kong ilabas ang malaking speaker namin sa bahay at magpatugtog ng malakas na song na Poker Face ni Lady Gaga.

Sa totoo lang, hindi naman dating cold treatment ang binibigay nito sa akin. Close pa nga kami dati noong mga bata pa kami. Bakit hindi? Kami ang laging magkalaro at magkasama dahil magkasing-edad naman kami. Siyempre, malapit din ang mga magulang namin. Pero nang mag-high school kami at pumasok si Karl sa Ateneo ay bigla na lang nagbago ang lalaking ito. Aba, ni hindi na ako pinapansin. Bigtime na yata. Masyado na yatang mataas ang tingin niya sa sarili niya. Masyadong malakas ang bagyong dala.

"Alam ko. Just get in the damn car and stop asking questions! You're wasting our time!" May pagbabanta sa tinig nito.

Dali-dali naman akong napasakay nang wala sa oras. Binuksan ko ang pinto ng kotse at napaupo sa tabi nito.

Pero pagkasakay na pagkasakay ko ay saka ko naisip ang pagkakamali ko. Bago pa ako makatanggi at makalabas muli ay pinaharurot na nito ang sasakyan paalis.

Anak ng tokwa naman, oh. What did I just do?

Medyo natakot kasi ako sa boses niya. Medyo lang naman. Ano ba kasi'ng problema nito?

And pardon, what did he just say? I was wasting our time? Our time? Bakit? Sino ba'ng nagsabi dito na pasakayin ako sa kotse niya? He could go without me for pete's sake! Ano ba'ng inaarte nito?

I shook my head gravely. He was just weird, weird with the capital W.

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon