Copyright © ScribblerMia, 2012
Pagkatapos ng COMA104 at ENG5 subjects ko, dumiretso na ako sa library.
Classmate ko si KJ tuwing Martes at Huwebes sa NASC1 at HUM2 (Arts and Music) subjects ko. Tuwing Miyerkules at Huwebes naman ay kaklase ko siya sa MATH11 (College Algebra) at PE.
Ang P.E. namin? Philippines Games.
Sa UPLB kasi, you’re given the prerogative to choose the subjects you want to take, except for the major subjects and core courses, which are required to take in your degree. Pero sa mga GE na subjects like PE, bahala ka. Sobrang dami kasing PE sa school namin, higit 50 siguro. Ikaw ang mamimili kung ano’ng gusto mong kuhanin. Meron kaming archery, swimming, bowling, pilates, table tennis, basketball, walking for fitness, street jazz, line dance, tai chi chuan, at kung anu-ano pang PE na sa UPLB mo lang yata makikita.
Ayos naman ang PE na kinuha ko. Paltok lata, tagu-taguan, luksong baka at tinik, piko, etc. ang madalas naming gagawin sa buong termino. Pero higit sa lahat, excited na akong makitang maglaro ng piko si KJ.
Just the thought of him playing piko made me go crazy. Baka mamatay ako kakatawa. Ewan ko kung bakit ganito rin ang PE niya. Nagtataka nga ako, e. Classmate ko siya sa lahat ng GE classes ko. Weird. Tadhana? Tadhana my foot.
After class, I went straight to the library. Pinakita ko ang ID ko kay Kuyang tagabantay. Dire-diretso na akong pumasok sa main library. Pagkapasok ko, nagulat ako sa dami ng tao sa paligid.
May mauupuan pa kaya kami? Bawat sulok yata may mga estudyante. Wala na nga yata talaga kaming mauupuan. Napailing ako.
Tatalikod na sana ako nang may biglang kumulbit sa akin.
“Hey,” walang ganang bati ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at diretso na siyang naglakad papasok. Sumunod na lang ako sa kanya.
“Let’s just get the books we need at sa ibang place na lang tayo gumawa ng project. Puno na kasi ditto, e. Wala na tayong mauupuan. Tara na.” Dire-diretso kong sabi sabay hatak sa braso niya.
“No. Dito na para air-conditioned ang room,” he said in a serious tone while his eyes were roaming around the room.
“Arte. E, wala ngang mauupuan.” I hissed.
“Meron,” he said sternly.
Lumakad siya papunta sa table na may dalawang upuan na magkaharap subalit may dalawang lalaki na na nakaupo roon.
“Wala na nga sabi tayong mauupuan,” sambit ko.
He ignored me. Nang makalapit ay tiningnan niya ng seryoso ang dalawang lalaking nakaupo.
“Move,” he said in a low and threatening voice.
Nanlaki naman ang mga mata noong dalawang lalaki.
“O-opo. S-sige po,” nangangatal na sagot ng dalawang lalaki.
Napatulala na lang ako sa nangyari.
KJ smirked. “You were saying something a while ago?” He boasted.
Ngumuso ako. “Yabang mo,” I murmured.
“What did you say?” Kunot-noong tanong niya.
“Wala. I said let’s go to the reference section.”
Nilapag na namin ang aming mga gamit sa lamesa para ipahiwatig sa ibang students na reserved na iyon, na may nakaupo na.
Nanguna na si KJ papuntang reference section.
BINABASA MO ANG
The Boy Next Door (Completed)
HumorNow a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: Colesseum