CHAPTER 9

103 2 0
                                    

IRENE POV

Nagising ako ng alas syete, tiningnan ko ang side ni Seulgi at nakatalikod ito sakin kaya nag inat na muna ako.

Ewan ko ba kung bakit na lang lumabas sa bibig ko yong tinanong ko sa kanya.

Pero hindi ko naman ikakaila na i was waiting for something positive sa reply niya, pero nag walk out lang siya.

Naturn off na din ata sakin. Gusto ko lang naman talaga na manggaling sa kanya kung ano kami.

Kasi sa pagkakaintindi ko sa mga sinabi niya, she was confessing last night right? Pero baka mali lang yong pagkakaintindi ko.

Baka sinabi lang talaga niya yun para hindi ako mag isip na dalawa kami ni Tzuyu ang nilalandi niya, pero kung tingnan mo naman sila ni Tzuyu mukhang naglalandian din naman talaga sila.

Arghh.. ang aga aga ako din ang sisira ng araw ko, kaya bumangon lang ako at nag order na lang sa MCDO ng breakfast.

Nagbihis na lang din ako ng pants at hindi fit na tshirt, bago lumabas ng kwarto. Baka masita na naman ako dahil sa damit ko.

Kaagad ko ng binuksan yong gate namin dahil my nakita na akong sasakyan na my Logo ng KSG Builder at truck sa likod nito.

Ang aga naman nila. Sa loob loob ko

Nagsibabaan naman ang ilang trabahador pagkita na binuksan ko na ang gate.

Bumati naman sila sakin kaya binati ko na lang din ng Magandang Umaga

Binaklas na nila ulit yong binalik nila na bakod. At kinuha yong mga nakatakip na trapal.

Kaagad na silang nagsimula sa paggawa ng pundasyon kahit iilan pa lang ang mga ito, mukhang maganda yong training ng mga tauhan ng KSG ah.

Bumalik na muna ako sa loob ng kwarto dahil wala akong dalang pera para sa delivery. Tulog pa din si Seulgi, dalawang araw na pagod kasi ito

Lumabas lang ako ng magtext na ang delivery na nasa labas na siya.

Pumasok na ulit ako, nilapag na sa mesa ang pagkain.

Bukas na din pala magsisimula ang Construction ng bahay ni Miss Jennie, at KSG Builder din yong Contractor ko.

Lalayo pa ba ako, eh boss nila ang kasama ko sa paggawa ng project na yun.

Alas otso ng dumating na si Papa. Naka uniporme na ito, sinilip lang pala kung okay kami ni Seulgi at umalis na para mag duty.

Tiningnan ko muna kong my mahahalaga pang gamit na maiiwan dito, dalawang megabox pa ang naiwan dito.

Maya maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto sa kwarto at parang nakapikit pa itong naglalakad papasok ng banyo.

Napangiti na lang ako, ang cute talaga niya.

Nakaayos na ang buhok nito at mukhang nakapaghilamos na.

Morning. Sabi lang nito at dretso na sa kusina

Nagkibit balikat na lang ako. Mukhang naturn off na nga. Or hindi lang talaga ako siguro type. Nakainom din kasi kami ng gabing naghalikan kami kaya siguro dahil lang yun sa alcohol.

Tahimik lang din itong kumakain habang tinatapos ko na ang pag iimpake. My naiwan pa kasi akong mga damit at nilagay ko na lang sa maleta.

Agad na itong lumapit sakin pagkakain.

Okay na ba ang gamit niyo? My matutulog na dito mamaya, okay lang ba kung iwan na lang natin yong elec. Fan? Tanong nito.

Oo naman my extra naman kaming isa. Sagot ko na lang

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon