CHAPTER 32

72 0 0
                                    

ANGELA POV

Hindi ako makapaniwala na isa na akong Kang ngayon, masyado akong masaya, hindi ko alam kung gaano ako kasaya

Salamat nan at dininig ng diyos ang mga panalangin ko, natatakot kasi ako.

Mag cocollege na ako at alam konh kailangan kong maging matatag at matapang.

Pero ngayong gagabayan ako ni Ate Seulgi at Ate Jennie, mas nananaig ang excitement ko kesa sa takot.

Hindi ko pa alam kung ano'ng kurso ang kukunin ko, gusto kong maging Pediatrician, pero mas nananaig sakin ang makatulong sa business nila Ate.

Alam ko kasing nahihirapan ito, kahit na hindi naman ito nagrereklamo pero bakas naman sa mukha ang pagod.

Atleast di ba, kahit sa unang taon naman siguro my matututunan na naman ako about Business Management.

Basta masaya talaga ako ngayon, yeah my crush ako kay Seulgi. Pero hanggang doon na lang iyon ngayon.

Hindi na pwedeng pagnasaan ko pa siya dahil iisang Pamilya na kami, baka ibalik pa ako sa dati kong apelyido pag nagkataon.

Excited na akong tumira sa bahay nila Ate Jennie, magpapatayo naman si Ate pero hindi pa daw siguro ngayon dahil wala akong makakasama sa pagtira.

Okay lang naman sa akin kahiy saan kami, importante magkasama kaming magkapatid.

Hindi ako nagkamali na maging focus sa pag aaral ko. Kita mo naman ang prize na nakuha ko.

Wala na akong mahihiling pa sa ngayon, sana lang hindi sila magsisi na ako ang inampon.

Kakagising ko lang ngayong araw, it was Monday. Bumalik na muna sa Makati sila Ate dahil sa Work.

Dito pa din ako natutulog sa kwarto ko kasama ang mga kaibigan ko, hindi pa ako kasi sanay matulog ng mag isa.

Lalo na dito sa shelter, natatakot pa din ako.

Agad na akong naligo at tsaka tumulong sa paghahanda ng Breakfast.

Naku, huwag ka ng tumulong dito Maam Angel. Panunukso ni Ate Yan

Saan naman nanggaling ang Maam Ate Yan, para ka namang iba eh. Nahihiya kong sabi

Kamusta naman ang feeling na my bago ka ng Pamilya, tapos hindi pa basta basta. Tanong nito sakin

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala Ate, parang ang bilis ng pangyayari tapos biglang Kang na ang Apelyido ko. Sabi ko

Mabait ka kasi kaya pinagpapala ka, basta ha huwag mong bibigyan ng problema ang mga Ate mo. Alam mo naman na masyadong busy ang mga yun. Bilin pa nito

Alam ko naman yun Ate, kilala mo naman ako. Nahihiya kong sabi

Kaya nga masaya kami dito at si Seulgi ang umampon sayo. Mas mabibigyan ka niya ng magandang kinabukasan. Sayang naman kasi ang talino mo. Sabi pa ni Ate

Salamat sa lahat ng Guidance Ate ha, hindi naman kami magiging mabuting mga Bata kung hindi sa tyaga ninyo samin. Sabi ko

Masarap sa pakiramdam ang makatulong lalo na kung para sa kinabukasan ng kabataan. Turuan mo din si Grey na maging isang mabuting Anak. Sabi pa niya

Opo naman Ate. Syanga pala Ate, bilin pala ni Ate Seul na pag nakaluwas ka daw kontakin mo siya. Papakuha niya yong kotse ni Mommy. Para daw iuwi mo dito. Sabi ko

Ah, talaga? Wow. Sige. Bukas luluwas ako. Buti at magkakaroon tayo dito ng maliit na kotse. hindi naman kasi pwedeng irampa yong Bus naten eh. Sabi pa niya

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon