CHAPTER 74

43 1 0
                                    

JENNIE POV

Today is Monday kaya ngayon na ang start ng Family Week or Foundation Week nila Grey.

May color coding naman at nasa Team White kami, sinama na din namin si Seok sa Team White.

Maaga pa lang excited na si Grey dahil ito ang unang beses na makakasama nito si Seulgi sa Family Week.

Kagabe ko na din hinihanda ang mga damit na dadalhin namin dahil pawisin nga ito masyado.

Susunduin na lang din kami ni Lisa at ihahatid sa School. Yun lang ang hiniling niya samin dahil nga hindi naman siya makakasama sa loob.

Alas syete y media ng marinig ko na ang busina kaya agad na ding tumayo si Grey.

Morning Baby. Bati ni Lisa sakin sabay smack sa lips ko

Morning Grey. Bati nito kay Grey at himalang nagkiss ito sa pisngi ni Lisa

Nakita kong nagulat talaga si Lisa dahil usually si Lisa lang ang humahalik sa noo nito.

Morning din Ninang. Nakangiti pa ito

Noon kasi, deretso lang ito sa sasakyan.

Nagkatinginan na lang kami ni Lisa at sabay na nagkibit balikat.

Maganda ata ang Mood ng Anak ko dahil nakangiti ito buong biyahe.

Sina Baba. Agad na sabi nito ng makitang naghihintay si Seok at Seulgi samin sa harap ng Gate

Bumaba kaagad ito ng huminto kami sa harapan nila Seulgi.

Humalik na lang ako kay Lisa tsaka nagpaalam. Kinawayan din ito ni Seulgi.

Kinuha naman ni Seulgi ang dala kong Bag tsaka yong Tumbler ng tubig.

Sabay na kaming pumasok at nag attendace.

Alas otso ng magsimula na ang Program.
Mukhang naagaw ang atensiyon ng ibang parent kay Seulgi.

Para naman kasi talagang pinagbiyak na bunga sila ni Grey.

My lumapit naman na isang tatay siguro ng isang estudyante at nag handshake kay Seulgi. Baka nasa businessworld din at nakilala si Kang.

According sa schedule ng Program, marami silang Games ngayon lalo na sa mga Parents/Guardians ng mga bata.

Nakita ko ding hindi bumibitaw si Grey sa Baba niya at taas noo pa talaga ito, his really proud of her.

Hindi din mabura ang ngiti sa mga labi nito, at halos pinapakilala siguro si Seulgi sa lahat ng madaanan nila dahil wala ding tigil sa kakakaway ang isa.

Si Seok naman andito lang sa tabi ko at parang walang gana sa mga ganitong Events. Mukhang matutulog pa nga ata ito dahil nakita kong napapapikit ito kaya pinahiga ko na lang sa Lap ko. At Yun nga natulog talaga kahit maingay.

Maganda din ngayon ang nag Facilitate ng Program dahil my Premyong Stuff Toy at Trophy ang mga Winners.

Last year, puro lang kasi Certificates kaya hindi maapreciate ng mga bata.

Madami ding Booth at Carts ngayon kumpara Last Year na parang binarat at pinerahan lang kami.

Mabuti at inayos nila ngayon, naku sinasabi ko talaga pag hindi ganito kaayos hindi ito palalampasin ni Kang.

siguradong magrereklamo ito at baka magkademandahan pa.

Nag start na ang palaro, unang Game padamihan ng maishoot sa Ring. Hindi na ako umaasa na mananalo si Seulgi. Hindi naman kasi ito naglalaro ng Basketball at mostly mga tatay ang kalaban niya. Siya lang ata ang babae na sumali dahil gusto ni Grey.

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon