CHAPTER 47

66 0 0
                                    

SEULGI POV

Umalis kaagad ako ng gabing yun sa shelter. Hindi sa nahihiya ako sa ginawa ko sa Boyfriend niya. Hindi ko lang maintindihan yong sinabi niya.

Talagang bibigyan niya pa ng isang chance, lampa naman yong Boyfriend puro porma lang.

Napuni ng tawanan ang kotse ko ng pabalik kami ng Makati. Galit na galit kasi ako at salita ng salita kaya tinutukso ako ng dalawang tukmol.

Nagseselos lang daw ako kaya ko nagawa yun. Mga animal talaga. Hindi tuloy makatulog si Motmot dahil ang ingay nga.

Iniwan na lang namin dun si Manang Lyn at Manang Rosa. Si Angela na ang kasama nilang umuwi.

Kaagad na kaming nagpahinga pagkadating namin sa bahay. Suko na talaga ako kay Joohyun, kaya si Angela na din ang bahalang mag update ng papagawa naming bahay

Hindi na nga ako nagpakita pa ulit sa Pamilya ni Joohyun, hanggang sa matapos na ang School Year.

Andami ko na kasing inaasikaso. Ngayon summer na naman. Kakatapos lang ng mga Clearance namin.

Nasa bahay lang kami at nag iisip ng gagawin. Umuwi din si Manang Lyn.

Kaya kaming 4 lang ang naiwan sa bahay.

Nagsisimula na din ang Construction ng bahay namin. Ang galing nga eh, bakit ko ba binili yong Lupa sa harapan nila Joohyun.

Nagpla plano akong mag bakasyon sa ibang bansa, pero dahil dumami ang Business namin hindi ata pwede sa ngayon.

Nagsabi na si Mommy na makakauwi ito ngayong taon, hindi lang alam kung kelan.

Nanunuod lang ako sa dalawa na naglalaro ng Playstation.

Boss, any plans? Tanong ni Biboy

Hindi ko din alam. Sagot ko

Akala ko po ba magbabakasyon kayo? Tanong nito ulit

Akala ko din eh. Pero ayaw ni Angela. Alangan umalis akong mag isa, baka mabatukan ako nun. Sagot ko

Natawa naman silang dalawa.

Di sa New York ka mag bakasyon. Matutuwa yong si Angela. Sagot pa ni Ken

Eh kung batukan kaya kita? Naiirita kong sabi

Alam ko namang namimiss mo na si Grey. Sabi pa nito

Nananahimik na sila, kaya wag na nating guluhin pa. Sagot ko na lang

Tumahimik na ang mga ito.

Bakit hindi kayo ang mag bakasyon sa inyo? Takang tanong ko

Hindi pwede, wala kang kasama dito Boss. Sagot naman ni Biboy

Hindi naman ako bata para bantayan niyong dalawa. Sagot ko

Pinagbilin ka samin ni Manang Rosa Boss, kaya it's a No for us. Sagot pa nito

Wala naman akong gagawin, wala din kayong gagawin dito. Andito naman si Angela, kahit 1 week lang. Umuwi na lang muna kayo. Sabi ko sa kanila

Magpapaalam na muna kami kay Angela Boss, pag okay sa kanya uuwi kami. Sagot ni Ken

Bakit si Angela ba ang Boss niyo? Tanong ko

Yes. Sabay pang sagot ng mga ugok

Sarap kutusan ng mga ugok na to.

Kakalabas lang din ni Angela sa kwarto nito at nakapang alis na.

Gel, uuwi daw mga to kahit 1 week lang. Ako na ang nagsabi

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon