SEULGI POV
Ngayon ko mas na realize kung gaano ako nangulila sa Pamilya Bae. Lalong lalo na sa Panganay nila.
Kahit hindi niya ako pinapansin okay lang sakin, mas mabuti na din yun dahil pinagsawa ko ang mata ko sa kakatitig sa kanya.
Mas lalo itong gumanda at pumuti.
Salamat Seulgi sa pagpunta samin dito. Ngayon ko lang nakita ang Tita mo na sumigla ulit ng ganun. Sabi ni Tito ng maiwan na kaming dalawa
Hindi na po kayo iba samin ni Mommy, at sigurado po ako talaga na matutuwa yun sa pagbabalik niyo. Sagot ko
Matanong lang kita ha, alam ko na naman ang sagot pero mas iba pa din pag narinig ko mismo sayo. Si Joohyun pa din ba? Seryosong tanong ni Tito
Magsisinungaling po ako sa inyo if sasabihin kong hindi. Nagpunta ako dito talaga to check on you guys and para malaman na din if may asawa na siya para sa ikatatahimik na din ng loob ko. Sa loob ng 2 taon tinry kong makalimot Tito, pero niloloko ko lang ang sarili ko. Now, hihingi po ako ng permiso ninyo na papakasalan ko po ang Anak niyo if tatanggapin niya ako ulit. Sabi ko
Alam mo naman na boto talaga ako sayo Anak. Hindi ka na lang ulit ng permiso pag napasagot mo na ang anak ko. Napatawa pa si Tito
Oo nga pala. Kamot ulo na lang ako
Masyado na siyang tahimik ngayon at medyo nadagdagan yong pagiging mataray. Hindi na din siya ngumingiti ngayon kaya Goodluck ha. Pananakot pa ni Tito
Tito naman. Sabi ko na lang
Tinawanan lang talaga ako nito.
Mukhang namiss nga nito may kasamang uminom dahil naging mabilis ang pagtagay niya. Kayo ayun tuloy, nagpaalam na kaagad na lasing na daw. Kaya niligpit kona lang yong kalat namin.
Umupo pa ako ng limang minuto siguro dahil hindi ko alam kung pano mag approach kay Joohyun.
Kumatok na lang muna ako bago pumasok.
Pero maganda ata ang mood niya dahil hindi ako tinarayan kaya kaagad kong hinablot ang bag ko at pumasok ng banyo.
Kakaligo ko lang kanina bago magluto pero naligo na lang ulit ako dahil my heater naman.
Nalabasan ko siyang nag aayos na ng kama, hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang bag ko dahil masyadong organize ang kwarto niya..
Akin na yan. Nabigla pa ako dahil nasa harapan ko na siya
Napalunok pa ako dahil sari saring emotion na ang nararamdaman ko. Ang bango bango din kasi niya kaya lalo lang akong di mapakali.
Salamat. Nasabi ko na lang nang tumalikod na ito
Pasimple lang din akong naupo sa harap ng salamin at nag blower ng buhok ko. Tanginang tibok kasi, mas lalo lang akong nininerbiyos.
Bakit ba kasi ako kinakabahan potek naman kasi Seulgi, kumalma ka nga para kang timang diyan.
Patayin mo na lang ang ilaw pagkatapos mo. Sabi niya
Ah sige. Mabilis din akong sumagot
Nakita ko na siyang nakapikit kaya pinatay ko na lang ang ilaw at dahan dahan lang na humiga sa kama.
Maliit lang itong kama niya kaya medyo magkadikit ang balikat namin. Tumatagos naman ang ilaw ng poste sa kwarto niya kaya siguro walang lamp shade dito si Joohyun.
Binaling ko ang ulo ko sa side niya at tiningnan ang side ng mukha niya.
Gustong gusto ko siyang yakapin ngayon, at singhutin ang bango ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
You and I(taglish)(Completed)2021
De TodoLove is.... Sacrifice? Selfish? Forgiveness? Patience? Happiness? Or just a word that cannot be explain. Tama bang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng taong mahal mo? Tama bang hayaan na lang na ikaw ang nasasaktan just to se...