CHAPTER 58

53 2 0
                                    

ANGELA POV

After 10 days ay dumating na ang Visa at Passport nila. Binilin ko naman kay Mommy yong Business ko.

Parang basic lang naman yun kay Mommy kung tutuusin compare sa Businesses nila ni Ate.

Tinulongan din ni Ate si Ate Hyun about sa Tindahan nito. Mas naging organisado nga ito ng matapos nang gawin.

Genius ba ang dalawang gumawa di pa ba gaganda?

Hinanapan din ni Manang Rosa sila Nayeon ng makakatulong kila Tita sa Tindahan kaya Everythings fine now.

4 na araw na lang at aalis na kami kaya yong excitement ko ay hindi na matatawaran.

Excited ako sa paghaharap ulit ni Ate Seulgi at Ate Jennie.

Hindi sa hindi ko gusto si Ate Yeji. Pero hindi ko alam kung bakit parang naawkward ako sa kanya.

Parang yong feeling na nagplaplastikan lang kaming dalawa. Parang ganun yong nararamdaman ko.

Buti nga hindi siya sasama samin. Masosolo namin si Ate Seulgi.

Basta it's either Ate Hyun or Ate Jennie ang mapapangasawa ng Ate ko.

Pupunta kami ngayon sa Mall dahil bibilhan ni Ate si Biboy at Ken ng thermal na damit.

Baka kasi ma freeze yong dalawang yun, biro ni Ate sa kanila.

Sasama na din si Nayeon at Yeri dahil wala din silang thermal clothes.

Andito pa ako sa Café Shop at naghihintay na lang ng Go signal ni Ate dahil susunod lang naman ako.

Alas dos ng makatanggap na ako ng text from Nayeon na andun na sila sa Mall kaya umalis na din kaagad ako.

Si Ate Lisa pala ang sumundo sa kanilang dalawa. Susunod na lang si Ate Hyun dahil my ginagawa pa.

Nasaan na ba Ate mo? Tanong ni Ate Lisa

Papark na daw sila. Saan natin hihintayin? Tanong ko

Doon na lang sa loob ng Boutique na yun. Try natin muna tumingin. Sabi ni Ate Lisa

Nagreply naman ako kay Ate.

Ilang minuto lang at magkakasama na kami, si Ate Hyun na lang ang hinihintay namin.

Mga 30mins. Ang lumipas at dumating na din ito.
Kaya inumpisahan na naming maghanap.

Napataas ang kilay ko dahil magka holding hands naman si Ate Hyun at Ate habang naglalakad.

Ano na naman kaya ang pakulo ng dalawang to, tapos malalaman ko na naman hindi na naman sila nagpapansinan.

Ganyan din sila noon, sweet na akala mo magjowa. Tapos isang araw makikita mo na lang na nag iiwasan na.

Parang mga bata talaga. Away bati.

Nakita naman ni Ate Lisa yong dalawa pero mukhang sanay na din ito dahil hindi naman nag comment.

Naghiwalay na lang muna kami, Si Ate Lisa at Ako ang sumama kay Nayeon at Yeri sa paghahanap.

Si Ate Joohyun sumama kila Ate para hanapan sila Biboy.

What's with them? Mahina kong tanong kay Ate Lisa habang nakatingin kami sa dalawa

Hindi kapa ba nasanay sa dalawang yan? Next month. Magkaaway na naman yan. Balewala ng sagot ni Ate Lisa

Ang lalandi. Sobra. Sabi ko na lang

Haynaku. Sinabi mo pa. Sagot na lang ni Ate Lisa

After an hour siguro na kakalibot ay sa wakas my napili na din ang dalawa kong kaibigan.

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon