CHAPTER 28

77 1 0
                                    

SEULGI POV

Agad na akong naghanap ng Parking Space pagdating ko ng Hotel. Dala ko din sa kotse ang Wheel Chair ni Jennie in case na sumakit na naman ang Paa nito.

Wala naman talaga akong balak na umatend sana pero kinukulit ako ni Jennie at alam nitong ayaw ko sa suot niya. Masyadong maiksi.

Sumilip muna ako sa pinto, tiningnan ko kung saan banda nakaupo si Jennie dahil baka mali pa ang mapasukan ko.

Likod pala ang pintong nabuksan. Nakatalikod lahat ng sumilip ako at nasa pinakaharap naman si Jennie kasama ang ibang Managers nito.

Tumayo na lang muna ako sa gilid at nakinuod na lang muna sa nag peperform, tili at palakpakan naman ang maririnig mo kasabay ng music na sinasayaw nila.

My mga bote ng Beer na din sa mga mesa , in short maingay dito. Tiningnan ko ang pwesto ni Jennie, tawa din ito ng tawa dahil ang mga sumasayaw ay Waiters nito na mga lalaki pero nakadamit pambabae.

Napakunot ang noo ko dahil nakaakbay pa sa likod ng inuupuan nito ang isang lalaki, I think isa itong Chef sa isang branch niya.

Bulong din ito ng bulong kay Jennie at nilapit pa ang upuan niya sa tabi nito.

My inaabot din itong baso, mukhang Beer ata na inaayawan naman ni Jennie pero pinipilit pa din nito.

Mukhang naiirita na din si Jen base sa expression ng mukha nito na tinatago lang pag ngiti. But i've known better.

Boss, bakit ka andito sa likod? Nalingunan ko ang isang staff ni Jennie sa kusina

Ahh, nakakahiya kasing pumunta sa harap may sumasayaw pa kasi. Sabi ko na lang

Sige, ihahatid na lang kita kay Maam Jennie Boss. Dito na lang tayo dumaan sa gilid. Sabi nito at nauna ng maglakad

Sumunod na lang ako sa kanya at nag excuse na lang sa dadaanan naming mesa.

Sumagot na lang ako sa mga bati nila sakin, kilala naman kasi ako ng buong staff niya sa buong branch din.

Nakita naman agad ako ni Jennie at biglang umaliwalas na ang mukha nito iba na din ang ngiti sa labi niya.

Tumayo ito na kinagulat pa ng katabi nito, at tiningnan kong sino ang tinitingnan ni Jennie.

Hindi niya ako hinintay sa mesa niya at sinalubong ako sa tabi.

Agad itong yumakap at humalik sa lips ko. Sabi sa inyo, wala itong pakialam kung madaming tao sa paligid namin.

Akala ko galit ka sakin. Agad na bati nito sakin

Hindi kita pwedeng pabayaan na mag isa Love. Sagot ko na lang

Sa kabilang side dapat ako mauupo pero pinausog ko si Jen at ako ang tumabi sa Chef na iyon.

Tinanguan ko lang siya ng maupo na ako at inusog ang upuan ko palapit kay Jennie.

Your not tired yet? Bulong ko

Kakastart pa lang ng Contest nila Baba, parang nakakahiya naman na uuwi agad ako tsaka 9:20 pa lang naman. Sagot niya

Kamusta ang paa mo? Bulong ko ulit habang nanunuod ng Performance

Nakainom na ako ng for Pain, kaya don't worry. Okay. Sabi nito at dinutdot ang ilong ko

Sumandal naman si Jennie sa balikat ko habang tawa ng tawa sa mga nagpe Perform.

My binulong ang katabi na Chef din na babae kay Jennie kaya napalayo ito sakin.

Kakain ka ba Baba? Bulong naman ni Jennie

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon