CHAPTER 11

129 3 0
                                    

SEULGI POV

Hindi ko alam kung bakit hindi ko masabi na mahal ko na siya.

Lalo pa't sinabi na niyang Mahal niya si Lisa.

Napaiyak pa nga ako, hindi ko na napigilan kasi ang sakit sa puso ko nong marinig ko ang sagot niya.

Hindi ko alam kong ano ba ako sa kanya dahil hinahayaan niya lang din ako na yakapin siya. I was too afraid to asked.

I am afraid of rejection. Lalo na pag si Joohyun yun.

Tinalikuran na niya ako. malamang galit na ito sakin dahil hindi ako sumasagot sa mga tanong niya.

Pumikit na lang ako.....

Kinabukasan ay wala na siya ng magising ako. I look at the clock. 8am.

Malamang nakaalis na ito. Alas 10 pa ang pasok ko sa school.

Naligo na lang muna ako at nagbihis na.

Bumaba na ako.

Hija, kumain ka lang dyan. Pupunta lang ako ng palengke ha. E lock mo na lang yong pinto pag aalis kana. Sabi ni Tita ng makita ako, palabas na ito ng sala ng marinig sigurong pababa ako

Sige po Tita. Ah, eto po pandagdag sa pamalengke. Sabi ko at inabot ang 1k.

Naku huwag na, papagalitan ako ni Joohyun. Sabi ni Tita at tumalikod na

Binalik ko na lang sa bulsa ko ang pera at umupo na para kumain.

Nagtimpla na lang din muna ako ng Kape at umupo sa sala nila..

Nilibot ko naman ang paningin ko at nakita ang mga Picture Frames nila.

Napangiti na lang ako. Ambabata pa kasi nila dito.

Hinugasan ko na ang pinagkainan ko.
Tiningnan ko muna ang laman ng ref kong ano'ng pwede kong bilhin.

Mahilig ang mga ito sa Fresh Milk, Canned Juice, Chocolate Drink.

Kaka grocery lang pala ni Joohyun noong isang araw kaya madami pang laman ang ref.

Sa susunod na lang ako mag grocery.
Ni lock ko muna ang front door bago umakyat ulit para mag toothbrush at magsuot ng sapatos.

Iniwan ko na lang sa ibabaw ng Drawer ni Joohyun ang Cheque Book at ATM Card ko. Pinatungan ko na lang ng isang libro. Hindi naman siguro mawawala yan dito.

Meron naman kasi akong cheque book sa ibang banko naman na andoon lang sa kotse ko.

Bumaba na ako at nilock yong frontdoor bago sumakay ng pick up. Sa gilid ako nag park dahil my bakanteng lote doon kaya naglakad pa muna ako.

Mag na 9 pa lang kaya bibisitahin ko na muna yong bahay nila Joohyun.

Agad lumapit ang Foreman ng makita ako.

Diniscuss namin yong blue print ni Joohyun at ang gusto kong mangyari.

Nilibot ko na din muna at tinanong kung my problema ba, lalo na sa gabi.
Buti at hindi naman ninanakaw ang gamit dito.

Nanatili lang muna ako at tinitingnan ang ginagawa nila, wala naman akong doubts sa mga tauhan ko. Hindi na sila baguhan sa kumpanya, at alam na nila ang mga gusto ko.

Tumawag na lang ako sa KSG builder para padalhan sila dito ng lunch, at tubig.

Umalis na ako at nagpaalam na.

Dumiretso na ako ng school. Hanggang 12 yonh klase ko.

Sa restaurant na lang ako kumain bago nagpunta naman sa bahay na pinapagawa ni Miss Jennie.

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon