CHAPTER 41

62 0 0
                                    

JENNIE POV

Halos maloka ako ng iwanan ako ni Seulgi. Hindi ko alam kung papano kalmahin si Grey.

Ngarag na ngarag ako araw araw dahil sa trabaho at pag aasikaso kay Grey.

Gustong gusto kong kontakin si Seulgi pero alam kong hinding hindi niya sasagutin ang mga tawag ko.

Parati na lang akong naka shades tuwing aalis dahil mugto ang mga mata ko.

Nagpapasalamat na lang ako ngayon dahil tinanggap niya kami.

Maganda ang tulog ko ngayon, kahit si Grey hindi nagising ng madaling araw.

I reach my phone para tingnan ang oras.

Bigla namang gumalaw si Seulgi at napayakap sakin. Siniksik nito sa leeg ko ang mukha.

Nakakaramdam ako ng kiliti ng singhot singhotin niya ang bango ng leeg ko.

Baba, nakikiliti ako. Paos ko pang sabi habang iniiwas ang leeg ko pero mahigpit ang pagkakayakap niya, pati mga binti niya

What time is it? Paos din nitong sabi

8:23. Sagot ko

Kaagad itong kumalas sa pagakakayakap at nauna ng bumangon.

Napabuntong hininga na lang ako at bumangon na din para tignan si Grey.

Tulog pa din ito, mukhang bumabawi ito ng tulog ngayon.

Pinagmasdan ko lang si Grey na payapang natutulog. Nakanganga pa ito.

Inayos ko na muna ang buhok ko at pinusod na lang ito.

Mukhang napasarap ang tulog ah. Sabi nito ng tingnan din si Grey.

Bumabawi ata sa ilang gabing puyat sa kakaiyak. Sagot ko

Napatingin din ito sa mukha ko kaya napaiwas ako.

Kamusta tulog mo? Masama ba pakiramdam mo? Mahina nitong tanong

I'm okay. Don't worry about me. Sagot ko na lang

Matagal niya pa akong pinagmamasdan kaya tumalikod na lang ako at pumasok ng banyo.

Mugto kasi ang mga mata ko kaya nahihiya akong tumingin sa kanya.

I look miserable. Wala ding buhay ang mga mata ko. And this is all my fault.

Mapait akong napangiti sa nangyari sa buhay ko ngayon.

Lumabas na ako at tulog pa din si Grey.

Nalabasan kong paalis na si Angela.

Naka breakfast kana ba? Tanong ko

Yes Ate. Nakapagluto na ako kanina. Don't worry. Nakangiti nitong sagot

Sige, ingat sa daan. Sabi ko

Humalik ito sa pisngi ko at nagpaalam na din sa ibang kasamahan namin sa bahay.

Hinanap ko si Seulgi at nakitang naglalaro ito kay Mot Mot.

Napangiti na lang ako dahil biglang naging masigla ang Aso.

Nahihiya akong maunang kumain, kaya naglinis na lang ako ng kwarto ni Seulgi.

Kakaalis ko lang ng pillow cases ng pumasok si Seulgi.

Hey, what are you doing? Hindi ka ba kakain? Agad nitong sabi

Nahihiya kasi ako. Kaya maglilinis na lang ako dito. Sabi ko na nakayuko

Ano ka ba naman Jen, halika na. Hinihintay kitang lumabas kanina. Aniya

Walang magbabantay kay Grey. Mamaya na lang siguro ako. Sabi ko pa

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon