CHAPTER 30

106 0 0
                                    

JENNIE POV

I don't know kung ano'ng gagawin ko kay Seulgi, nahihiya ako sa ginawa ko at nasampal ko pa siya.

Ako naman ang pinagsimulan ng pagkagalit namin dahil sa mga sinabi ko sa kanya.

Nakikita kong hirap na hirap na ito pero i was too Shy, or ang Pride ko talaga ang kumakain sakin.

Nasasaktan akong makita siyang nasasaktan at lalong masakit pala na umiiwas ito sa akin.

Sumama ako dito dahil ayokong ilagay siya sa alanganin na sitwasyon, hahanapin kasi kami ni Grey pag hindi kami sumama dito.

Pero parang hindi kami nag eexist ni Grey sa mga mata nito. Hindi din ito lumalapit kay Grey, mukhang nilalayo na nito ang loob kay Grey para hindi na ito hanapin pa.

Kung hindi din ito napigilan malamang bugbog sarado na din yong Ateng nang momolestiya kay Angela.

Iba yong galit na nakita ko sa mga mukha niya, buong stay namin dito magkasalubong ang mga kilay nito.

Hindi din ito lumalabas ng Office nito kung hindi kakain at matutulog.

Mukhang nakakahalata na din ang mga Staff niya sa nangyayari pero walang my naglakas loob na magtanong or mag usisa.

Ngayon nakikinig lang ako sa usapan nila ng Mommy niya, katulad noong isang gabi.

Pero nag breakdown si Seulgi noon, gustong gusto ko itong yakapin noon pero hindi na lang ako nagpakita.

Ngayon mamalalaman mo sa tinig niya na tinatry lang na maging malakas. Dahil wala itong choice.

Nakainom na naman ito, akala ko sa akin siya magstay pero mukhang nagbago na ang isip at magpapaiwan na lang dito.

Gusto ko din sanang tanungin kung bakit nagbago ang isip pero natatakot akong kausapin siya.

Napapatingin lang din si Lisa sakin habang nakikinig sa usapan ni Seulgi at Mommy nito.

Mukhang sasama na lang ako kay Lisa na bumalik bukas sa Makati.

Ahm, Lisa. Ano'ng oras ka luluwas bukas.? Tanong ko

Sa Morning dahil papasok pa ako ng Firm. Sagot nito

Sasabay kami ni Grey kung okay Lang. Sabi ko

Walang problema. Nakangiti nitong sagot

Kaya napangiti na lang din ako. Mahihirapan ako pag nag commute kami ni Grey.

Bukas din pala dadating sila Manang Rosa.

Ahm, Lis. Magiging busy ka ba? Nahihiya kong tanong

Bakit naman? Tanong nito

Dadating kasi sila Manang Rosa bukas, papasundo ko sana sa Terminal. Sagot ko

Ahh, sige. Walang problema. My no. Naman ako ni Manang. Ako na lang ang bahala sa kanila bukas. Nakangiti pa ding sagot nito

Nagpasalamat na lang ako at binalik na sa Laptop ang tingin ko.

Mukhang hindi na talaga magpapakita pa si Seulgi samin ni Grey, dapat my House Blessing pa kami eh. Pero mukhang kami na lang.

Tiningnan ko siya habang nakapikit na, gusto ko siyang kausapin pero hindi ko magawa dahil andito din si Lisa.

Baka kasi bigla na lang kaming mag away, nakakahiya talaga.

Alam ko namang gising pa ito dahil hindi ito ganoong matulog.

Nilakasan ko na lang ang loob ko at tinawag ko siya.

Napadilat naman ito at lumamlam ang mga mata ng mapatingin sakin.

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon