JOOHYUN POV
Nag impake na muna ako ng dadalhin namin sa Cebu. Mamayang 6pm ang flight namin.
Alas diyes pa lang naman ng umaga pero inuna ko na lang ang mga damit namin, after masigurong okay na tsaka na ako naupo sa table ko.
Kinarga namin ang ginagamit kong table dahil pang architecture talaga ito.
Pero bago ako makapagsimula, naligo na lang ako.
Lumabas ako 15mins. Bago mag 12noon.
Naghahanda na sila ng pananghalian.Sinundo ko si Seok sa kwarto niya.
Si Grey umuwi muna sa kanila dahil namimiss na ng Mommy niya.Hey, kain na muna. Tawag ko
Agad nitong binaba ang controller ng nilalaro niya at tumayo.
Wala pa po ba si Mommy? Tanong niya at agad humawak sa kamay ko
Hindi ko alam eh, wala naman siya sa kusina. Sagot ko
Ahh, my meeting po kasi siya kanina. Sabi ni Seok
Kumain na po kayo. Male late daw ng uwi si Senyora. Sabi ni Manang Lyn
Sige po. Umupo na lang din po kayo. Aya ko
Nagsiupo na din sila.
Si Ken po? Tanong ko
Mamaya pa yun. Nasa review center. Basta ganitong friday whole day ang batang yun sa Center. Sagot ni Manang Lyn
Napatango na lang ako. So kung wala pala ako mag isa si Seok dito if nasa meeting si Tita.
Tahimik kaming kumakain.
Ate, di ba po sa Cebu yong may inflatable na resort? Tanong ni Seok
Yeah, i think sa Cebu yun. Why? Gusto mo doon tayo magstay? Tanong ko
Sana, if pwede. Marami kasing water activites doon, tapos my ATV din. Sabi ni Seok na na excite na
Sige, tawagan ko ang Ate mo after nating kumain para ma check niya if pwede tayo doon. Sabi ko na lang
Salamat Ate. Napag usapan namin kasi yun kagabe ni Grey, nakalimutan lang namin sabihin kay Ate. Buti naalala ko ngayon. Sabi ni Seok
Kamusta nga pala yong training niyo sa Batangas? Nag eenjoy ka ba? Tanong ko para may mapag usapan na lang kami
Yes, lalo na pag nananalo kami ni Grey. Madami kasing mayabang doon, parati na lang kaming chinachallenge. Tapos magpupusta sila ng Pera. Eh, kilala niyo naman si Ate hindi yun umuurong pag hinahamon. Tsaka malaki ang bilib niya samin ni Grey kaya parati na lang namin ginagalingan. Kaya ayun, ilang tao na din ang natalo namin. Mahabang pagkwekwento niya
Di andami niyo na palang pera. Sabi ko na lang
Ah, hinahati po namin yong napanalunan namin pero sa Shelter po sa Laguna tsaka sa Animal Shelter ni Ate Lisa. Tapos binibigyan namin ng balato si Tay Erning, yong tumutulong samin doon. Sabi ni Seok
Aba, sa maganda naman pala napupunta ang mga napalunan niyo. Mukhang nahawa na kayo sa Ate mo. Sabi ko
Alam niyo naman po kung saan ako nanggaling, at nakikita namin ang ginagawa ni Ate. Masaya siya tuwing my tinutulongan, at alam ko po ang feeling ng tinulongan. Sabi ni Seok
You talk like a grown up man. Bata ka ba talaga? Nakangiti kong tanong
Natawa naman ito sa sinabi ko. Masaya akong sumasagot ito sa mga tanong ko dahil knowing Seok, tahimik na bata lang ito.
Age is just a number Ate. Mahilig lang akong manood ng Documentaries kaya alam kong maswerte akong bata dahil napabilang ako sa Pamilyang to. Mapagmahal at mababait. Bonus na lang yong pagiging mayaman. sabi niya pa
BINABASA MO ANG
You and I(taglish)(Completed)2021
RandomLove is.... Sacrifice? Selfish? Forgiveness? Patience? Happiness? Or just a word that cannot be explain. Tama bang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng taong mahal mo? Tama bang hayaan na lang na ikaw ang nasasaktan just to se...