CHAPTER 33

76 0 0
                                    

SEULGI POV

Nag stay pa kami ng isang araw sa shelter bago umuwi.

Kinailangan na kasi naming mag double time ni Jennie dahil nga magbabakasyon kami kay Mommy sa U.S.

Mabuti na ding andito si Angela dahil my makakasama si Grey.

Medyo okay na din siya kina Biboy at Ken dahil nakikita kong nag uusap naman ang mga ito.

Malapit na ding matapos ang driving lessons ng dalawa dahil mabilis ang mga itong matuto.

Minsan iniiwan ni Jennie ang kotse nito at nag pra praktis driving sila sa loob ng Village.

Parati kaming pagod ni Jennie tuwing uuwi pero nawawala ang mga yun dahil kay Grey at sa mga alaga naming Aso.

Pag my time si Jennie siya ang nagluluto ng dinner. Every sunday ay Family time namin.

We see to it na wala kaming appointments na dalawa.

Nagstart na kaming mag impake ng dadalhing damit. Konti lang dahil doon na lang kami mamimili.

2 araw na lang at aalis na kaming 4. Nag change of plans ako about sa Pregnancy ni Jennie.

Masyado pa itong madaming commitment sa pagiging Model kaya huwag na lang siguro muna.

Maliit pa naman si Grey, baka mahirapan lang kami pag dalawa na ang bulinggit namin sa bahay

Excited na din si Mommy. Last week of April kami nakapag booked ng flight para my time pa si Angela na kumuha ng Entrance Examinations nito.

Hanggang Mother's day lang kami doon.
Pinili talaga namin yun, ang makasama si Mommy sa Mother's Day.

Naka leave na din kami ni Jennie, kami ang boss pero naka leave kami. Haha

Nakatingin lang ako kay Grey at Angela na naghahabulan. Si Grey sa walker. Kasama ang mga Alaga naming Aso.

Nakangiti lang ako habang nanunuod sa kanila dahil grabeh naman ang tawa ni Grey.

Tumabi naman si Jennie sakin at agad na yumakap habang nanunuod din sa dalawa

I missed you. Mahinang sabi ni Jennie
Na nagsumiksik pa sakin

I missed you too. Babawi na lang ako sayo mamayang gabi. Nakangisi kong sabi sa kanya

Napatingin na lang ito sa mukha ko at mahinang kinurot sa tagiliran.

Iba na naman yang sa isip mo Baba. Sabi niya

Wala akong iniisip Love. My sinabi ba ako? Pagmamaang maangan ko na lang.

Sigurado ka diyan ha. Sabi na lang niya

Napatawa na lang ako at hinalikan siya sa noo.

Napatingin na lang kami sa dalawa dahil napaupo na si Angela sa sahig at hinihingal.

Tawa pa din ng tawa si Grey na nakatingin sa Ate nito.

Ayaw na ni Ate. Pagod na ako. Nahahapong sabi ni Angela na dinumog pa ng mga Aso.

Grey, tama na muna. Halika dito kay Mommy dali. Pinapagod mo ang Ate mo. Saway naman ni Jennie

Agad din itong nagpunta sa direksyon namin kahit hinihingal na din.

Tumayo na kami at kumuha ng towel para sa dalawang batang to.

Magbihis kana muna Gel, ang basa ng kikod mo. Sabi naman ni Jennie

Agad naman itong tumalima, si Grey naman ang inasikaso nito. Pinunasan at binihisan na din.

Ang likot na ng Baby. Nahihirapan si Ate sayo. Mamaya niyan, hindi makahanap ng Boyfriend ang Ate mo dahil masyado kang clingy sa kanya. Pagkausap nito kay Grey

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon