IRENE POV
Walang naman sana akong balak na sumama sa Laguna dahil nararamdaman kong hindi gusto ng Parents ko si Bogum.
Medyo mayabang talaga kasi ito magsalita, kahit yong Aura niya lang parang puno na ng kayabangan.
Pero mabait naman kasi ito, gentlemen din. Nararamdaman ko ding mahal talaga ako nito
Wala naman kaming formal na relationship, nagulat na lang ako ng hingin nito ang blessing ni Papa at Mama para daw ikasal kami.
Wala naman kasi kaming pinag uusapan about sa kasal. Sabi nito, let's take it slow.
Gabi gabi din itong nasa bahay na parang kinaiirita na ni Papa.
Ilang beses ko namang sinabihan si Bogum na kahit huwag nang araw araw magpunta dahil minsan hindi ko na nagagawa ang inuuwing trabaho ko.
his just saying Yes, pero nagugulat na lang ako dahil nagpupunta pa din siya. Hanggang sa masanay na lang ako at sa office ko na tinatapos ang mga gagawin ko.
May kaya din ang pamilya nito. My Grocery Store ang Pamilya nito, apartments, water refilling station, computer shop.
Pero talagang maire lang talaga itong magsalita. Nagulat pa nga ito ng malaman kung gaano kayaman si Lisa.
Medyo hindi ito nagyayabang pag si Lisa ang kausap lalo ng malaman na si Lisa ang Boss ko at may ari ng Firm.
In short, tiklop. Nayayabangan ito kay Seulgi. Na ipinagtataka ko dahil ni minsan hindi naman ito kinausap ng isa.
Ni hindi nga pormal na ipinakilala. Hindi din sila nagpapansinan.
Noong una akala nito simpleng tao lang talaga si Seulgi ng makita niya ito sa bahay.
Na curious ata ito at nagtanong kay Lisa. Nanlaki pa nga ang mga mata nito noon ng isa isahin ni Lisa ang business ni Seulgi, at sinabing si Seulgi lahat ang nagpapatakbo.
Masyado din itong na curious sa itsura ng Shelter ni Seulgi, akala nito yong normal lang na mga shelter yong nakikita sa pelikula.
Kahit ako nalula ng makita ang facade ng shelter, lalo na ang mga amenities dito.
Para itong white house, napapalibutan din ng tatlong matataas na building ang Main House ng shelter.
Masyado ding disiplinado ang mga bata dito, walang nagtatakbuhan or naglalaro or nag aaway sa buong durasyon ng Party kanina.
Parang hindi din mga tauhan ang trato ni Seulgi sa mga staff nito. Kunsabagay, hindi naman talaga palautos si Seulgi.
Nakikinig lang kami sa usapan nila at nakita kong nakakuyom ang palad ni Bogum habang nag uusap si Seulgi at Parents ko
Ano na naman kaya ang Problema nito.
Ito ang mahirap sa kanya, mainitin ang ulo, pikon at yong taong ayaw masapawan ng iba.Nagtataka lang ako dahil hindi naman ito ganun kay Lisa, pero mainit talaga ang dugo nito kay Seulgi.
Napapailing na lang ako kay Papa, alam kong si Bogum ang pinaparinggan nito.
Pero mukhang wala naman ito kay Bogum. Parang hindi nakakaramdam na ayaw dito ni Papa. Hindi nga ito kinakausap ni Papa ng madalas eh. Unlike kay Seulgi na hindi ito nauubusan ng kwento at tanong.
About my feelings? Unti unti na akong nag moving on. Hindi ko alam kung ano yong feelings ko kay Bogum. Masarap naman siyang kausap at hindi naman niya ako binabastos kaya okay naman ako.
Pero Love? I don't know.
Ano nga ba ang Love?
A four letter word, with so many complicated definition.
BINABASA MO ANG
You and I(taglish)(Completed)2021
RandomLove is.... Sacrifice? Selfish? Forgiveness? Patience? Happiness? Or just a word that cannot be explain. Tama bang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng taong mahal mo? Tama bang hayaan na lang na ikaw ang nasasaktan just to se...