CHAPTER 73

40 1 0
                                    

SEULGI POV

Its been 3 years since umalis ako sa bansang ito.

Walang nakakaalam na andito na ako ngayon sa Airport ng Manila.

Natapos na din ang Nag iisang project ko doon, pero hindi naman basta basta yun. It took 3 years to finish that whole project.

Agad akong pumara ng taxi nang makalabas na ako sa terminal.

Wala pa ding pinagbago dito, mas lumala lang ang trapik. Kaya parang nagdadalawang isip ang driver kung ihahatid ba ako ng Makati.

Sinabi ko na lang na Name your Price kaya heto, bumibyahe na kami.

Nag aalangan pa ito noong una dahil akala Foreigner ako, nag iisip siguro nang sasabihin niya sa English kaya inunahan ko na ng tagalog.

It is really is feels good to be back home. Ganito pala ang feeling ng isang OFW noh.

Hirap at pagod ka sa ibang bansa, pero once you set foot back home, nawawala lahat ng iyon.

Pure excitement and Joy ang mas mararamdaman mo pag alam mong malapit mo ng makita at makapiling muli ang mga taong mahal mo. Lalo na ang Pamilya mo.

After so many hours na nastock kami sa trapik kahit saan pa mag short cut si Manong, sa wakas papasok na kami sa looban, kung nasaan ang bahay ko.

Nakita ko si Ken na nagdidilig ng halaman sa labas ng bahay kaya pinabusinahan ko kay Manong.

Napapiksi pa ito at napakunot noo habang inaaninag ako sa loob ng taxi.

Mukhang magagalit pa ito dahil ilang beses itong binusinahan ni Manong.
Nakita kong pati si Tito sa harap napasilip din sa Gate nila.

Dahan dahan akong lumabas ng taxi.
Nanlaki ang mata ni Ken at tinapon na lang basta ang hawak na hose..

Boss! Agad na sigaw niya at walang pakialam na sinalubong ako ng yakap

Kamusta Ken? Surprise! Sabi ko

Bakit hindi ka nagsabi sana sinusundo na lang kita. Sabi ni Ken

Eh di, di na surprise yun. Sagot ko lang

Napalabas din ng Gate si Tito at agad na tumawid papunta sakin.

Seulgi Anak! Agad din yumakap si Tito sakin

Lalo ka atang naging macho ngayon Tito ah. Sabi ko

Aba, lalo kang gumanda este pumogi anak. Bumalik na din yang cute mong chubby cheeks. Sabi naman ni Tito

Si Tito talaga. Sabi ko na lang

Tinulongan naman namin si Manong Driver na maibaba ang mga dala ko. Binigyan ko na lang ng 5k, dahil hindi nagrereklamo kahit na ilang trapik ang nadaanan namin.

Naku, malaki po ito masyado Maam. Sabi ni Manong at akmang ibabalik sakin ang sobra

Tip ko po yan sa inyo dahil sa matiyaga at pasensyoso po kayo sa daan. Sagot ko

Naku, maraming salamat po Maam. Tsaka Welcome Back po. Sabi naman ni Manong

Salamat din. Ingat sa pagda drive ha. Sabi ko na lang

Nagsilabasan na din ang iba naming kasambahay para ipasok ang mga gamit ko, sumunod din si Tito samin sa loob.

Senyora! My bisita ka. Sigaw ni Ken

Ha? Sino daw? Mukhang nasa kusina si Mommy

Hindi ko po kilala, ayaw namang magpakilala. Sabi naman ni Ken

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon