JOOHYUN POV
Mas lalong naging pogi sa paningin ko si Seulgi dahil sa project na ito.
To think na magtatayo ito ng isang Community para sa mga Pilipino, kahit hindi naman siya totoong Pinoy.
Pero yong puso niya talaga Pusong Pinoy eh.
Wala na siguro itong magawa sa pera niya kaya heto may bago na namang Project.
Kakatapos lang namin sa Gasoline at Fast Food Chain. Tapos heto na naman. May sa Cebu pa.
Around 8pm na ng bumalik na kami sa Barangay Hall. Nagpahanda ng Pagkain si Kap, nahiya naman si Seulgi na tumanggi kaya heto kumakain na kami.
Pagpasensiyahan niyo na ito lang nakayanan ko ngayon. Sabi ni Kap
Favorite ko po to Kap, don't worry. Sabi ko
Inihaw na Bangus, Tortang talong, Pinakbet.
Ang ganang kumain ni Seulgi, kunsabagay paborito talaga nito ang Pinakbet.
Nakakamay pa ito talaga habang kumakain. Sila lang ni Kap ang nakakamay.
Syanga pala Kap, remind mo din sila about sa pagtatapon ng basura ha. Wala bang napapasyal na nangunguha ng basura? Tanong niya
Naku, isa yan sa problema dito. Lalo na ang drainage. Nakailang request na ako sa munisipyo, oo lang ng oo wala namang nagcocolect. Tapos yong drainage hindi nga nila magawa dahil private property. Sagot ni kap
Attorney, ikaw na bahala sa papeles. Samahan mo na lang si Kap. Bilin nito
Yes Boss. Sagot naman ni Attorney
Ah, attorney po pala kayo. Sabi ni Kap
His Atty. Demencio Cruz. Taga bayan lang din siya. Pakilala ko
Hello po Attorney. Bati ni Kap
Hello din Kapitan. Sagot ni Atty.
Pag nagkaproblema kayo sa Munisipyo, basta about dito sa lugar niyo, tawagan niyo si Atty. Sabi ni Seulgi
Salamat po. Sagot ni Kap
After kumain ay nagpaalam na kami.
Nag iwan naman ng calling card si Seulgi at Atty. Kay KapHindi tinanggap ni Attorney ang bayad para sa anak niya.
Mukhang malaki ang utang na loob nila Attorney kay Seulgi dahil ayaw tanggapin ang pera.
Ang bigat ng tiyan ko. Busog na busog talaga ako. Reklamo nito
Ang takaw mo nga eh. Kain kargador. Sabi ko
Ansarap ng pinakbet, lalo na yong inihaw na bangus. Yun yong classic na mga timpla eh, iba sa mga restaurant na andami ng nilalagay. Sabi niya
Bakit ka nga pala napadpad dito sa Batangas at ano yong Circuit? Tanong ko
Ah, tini training ko si Seok at Grey sa Motor Racing. Dito lang ang may pinakamalawak na Circuit kaya dito kami 3x a week. Sabi niya
Hindi ba delikado yun? Tanong ko
Syempre delikado. Wala namang bagay na hindi delikado. Sagot niya
Pinayagan ni Jennie? Tanong ko
Wala siyang choice. Sagot nito
Kunsabagay. Ikaw pa. Sagot ko
Ano'ng ako pa? Takang tanong niya
What Seulgi wants, Seulgi gets. Sagot ko
Bakit hindi kita nakuha? Napatingin ako bigla sa kanya
You want me? Tanong ko
Noon pa di ba, nakalimutan mo na siguro. Sagot niya na sumeryoso na ang mukha
BINABASA MO ANG
You and I(taglish)(Completed)2021
RandomLove is.... Sacrifice? Selfish? Forgiveness? Patience? Happiness? Or just a word that cannot be explain. Tama bang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng taong mahal mo? Tama bang hayaan na lang na ikaw ang nasasaktan just to se...