CHAPTER 40

76 0 0
                                    

SEULGI

It's been a month ng last kaming magkita ni Jennie at Joohyun.

Naging busy na ako sa school, nagbukas na din ang AnGel's Café. Kaya naging masyadong madaming paperworks ang araw araw na nakatambak sa table ko.

Bahay, school, office na lang ang routine ko. Kakabukas lang din ng Car Shop ni Jennie at Si Angela na lang ang pina attend ko sa Ribbon Cutting.

Ngayon 1st Saturday ng August at nasa bahay lang ako dahil andito naman ang mga papeles na kailangan ko

Kaming tatlo lang ang tao dito dahil nag day off ang bago naming kasambahay.

Si Manang Lyn, pinsan ni Manang Rosa. 53yrs. Old at byuda ito pero maraming Apo.

Sa kabilang side naman itong kamag anak ni Manang Rosa kaya hindi kamag anak nila Biboy.

Yong dalawa busy sa kakalaro ng Play Station. Wala naman kasing ibang libangan dito kundi yun, netflix at Cellphone.

Mamayang hapon ko planong bumili ng kotse para kay Angela. Marunong na naman kasi itong mag drive, tinatygaan ni Biboy sa kakaturo tuwing bakante ang mga oras ng mga ito.

Alas dyes na kaya tumayo na ako.

Boys, sa labas na lang tayo kakain. Pupuntahan din naten si Angela sa Café. My pupuntahan tayo. Sabi ko sa dalawa

Okay Boss. Sagot naman ng mga to at agad pinatay ang Playstation kahit hindi pa naman tapos sa paglalaro.

Ito ang maganda sa mga to, alertness overload.

Halos magkakasabay lang kaming napalabas sa kwarto. Nilock na ng mga to ang lahat ng pintuan tsaka bintana.

Agad na kaming sumakay sa Pick up. Si Biboy ang nagda drive pag ganitong lumalabas kami basta hindi ito nakainom.

Sabay sabay kaming bumaba sa pick up at pumasok sa Café.

Kilala naman kami dito kaya agad nila kaming binati. Akala nila magpipinsan kaming apat. Parati kasi kaming magkakasama.

Asan ang Maam Niyo? Tanong ko sa tao sa counter

Nasa office niya po Maam. Pasukin niyo na lang po. Pa cute pa ito sa dalawang ugok na nasa likod ko

Nagpasalamat na ako at iniwan ang dalawa na nagpapacute din.

Hey bunso. Kain tayo sa labas. Agad na sabi ko dahil bukas naman ang pinto niya

Wait lang po Seul, may ginagawa pa po ako. Sagot nito

Sige po. Sa kotse na lang kami. Nagpapacute na naman ang dalawang ungas sa mga tauhan mo. Sabay talikod ko sa kanya

Ako na ang nagdrive papuntang Chinese Restaurant. Namiss ko kasi, lalo na ang luto ni Jennie

Nitong mga huling buwan namin kasi pinag aaralan nito ang Chinese Cuisine ako kasi ang tagatikim kaya hinahanap ng panlasa ko.

Papasok na kami ng kalabitin ako ni Biboy at my ininguso sa bandang kaliwa ko.

Si Joohyun at Bogum, busy sa kakangiti sa isa't isa.

Ito namang kapatid ko lumihis ng daan at doon napiling maupo sa tabi mismo nila Joohyun.

Nagkunwari pa kaming hindi napansin ang mga ito at nakatingin lang sa Menu nila pero ang boses naman ni Biboy ay medyo napalakas

Angela, andito din pala kayo. Rinig kong sabi ni Joohyun

Oh, Ate. Kelan ka bumalik? Sagot ni Angela sabay tayo para magbeso beso sila

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon