CHAPTER 85

51 2 0
                                    

SEULGI POV

Madilim na paligid ang sumalubong sakin ng magising ako. Naramdaman kong nakatali ang dalawang kamay at paa ko.

Nakahiga lang din ako sa malamig na semento.

Kapag minalas ka nga naman, nadamay pako sa pagkikidnap nila sana sa anak ni Mr. Lopez.

Sa Hotel sana ang meeting namin, kaso naiwanan niya ang mga documento sa bahay nila kaya doon na lang kami nag meeting.

Feeling ko may traidor sa mga tauhan niya, kasi alam nilang wala sana si Mr. Lopez doon sa bahay nila ng ganoong oras.

Kakadating lang namin ng dumating din ang mga kaaway niya.

Nagkagulatan pa nga siguro dahil sa nakita ko kanina, madaming namatay na kaaway kesa sa mga tauhan ni Mr. Lopez

Kaso, nagtawag siguro ng Back up dahil matagal na katahimikan pa ang nangyari kaya patakas na sana kami ni Adrian sa secret door nang makita kong tumatakbo ang anak ni Mr. Lopez pasunod samin.

Binalikan ko at hihilahin ng mabilis sana at isasarado ang pintuan kaso ako ang nahablot nila kaya nakipagbuno na lang ako.

Tinulongan ako ni Adrian pero hindi namin kaya dahil dalawa lang kami at mukhang sanay din sila sa pakikipag away.

Kaya wala akong choice kundi ilayo sila sa secret door at sinabihan si Adrian na itakas na ang mga bata dahil nagsilabasan na din ang iba pati mga kasambahay.

Mukhang alam nila ang tungkol sa secret door nang bahay nila dahil doon sila papunta lahat.

Masama din ang lagay ni Adrian ng huli ko itong sulyapan, pinilit nitong makatayo, nakita ko yun. Nagtama pa ang mga mata namin bago ako nagpahabol at nakita kong naisara na nito ang Secret Door.

Bugbog sarado ako, alam ko yun dahio nawalan ako ng ulirat dahil sa palo sa ulo ko.

Kinapa ko ang maliit na tracking device na palagi kong suot sa Belt ko.

Napamura ako ng hindi ko ito makapa. Mukhang nahulog ng matadyakan ako sa bandang tiyan ko kanina.

Pinilit kong makaupo at naramdaman kong masakit lahat ng parte ng katawan ko.

Mukhang putok din ang kilay ko dahil mahapdi din sa bandang kaliwa ko.

Nakiramdam ako kung my kasama ako. Pero napakatahimik. Nahirapan na din akong huminga dahil wala akong maaninag na kahit konting liwanang.

Habol habol ko ang hininga ko ng biglang bumukas ang pintuan.

Buti naman dahil pumasok ang liwanag ng ilaw sa labas dito sa kinauupuan ko.

May dalang tray ang pumasok.

Boss. Tawag ko

Ano yun? Paasik niyang sagot

Pwede bang mag request? Maliit lang naman na bagay. Sabi ko

Ano? Sigaw niya

Napapitlag ako dahil nagulat ako eh.

Pwede bang huwag niyo na lang ilapat yong pinto, yong makapasok lang sana ang maliit na liwanag. Hinihika kasi ako pag sobrang dilim. Sabi ko

Ahh, yun lang pala. Akala ko kung ano. Sagot naman niya

Sinindihan nito ang ilaw sa bandang gilid ng kwarto. Tapos nilagyan ng towel para maging dim light lang.

Okay na ba yan? Tanong niya

Salamat Boss. Okay na po yan. Sagot ko

Kumain ka muna, mukhang kilala ka ng isang Boss. Binilin na huwag kang sasaktan, at pabayaan. Sabi pa nito sakin

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon