JOOHYUN POV
Nangingiti lang ako sa usapan nila. Mukhang mas takot si Grey kay Seulgi kesa sa Mommy nito.
Doon ba kayo sa Pool or dito na lang sa sala? Tanong ni Jennie
Dito na lang para may kasama si Grey. Sagot naman ni Seulgi
Napatango na lang si Jennie.
Ilang minuto pa at may narinig na kaming ugong ng mga motorsiklo.Si Seulgi ang lumabas para papasukin sina Biboy at Ken
Bumati naman sila samin at nagpaalam na puntahan muna ang Tita nila at mga pinsan.
Tinulongan naman ni Lisa si Jennie na kumuha ng mga baso, Yelo at yong iinumin namin.
Saturday naman bukas kaya okay lang na hindi ako pumunta ng office.
Ako, si Grey at Seulgi lang ang naiwan sa sala. Hindi naman awkward dahil magkalayo naman kaming dalawa ni Seulgi
Maglinis ka na muna ng katawan mo Grey, para dretsong tulog kana lang mamaya. Rinig kong sabi nito kay Grey
Mamaya na Ba, tatapusin ko lang yan. Turo nito sa Cartoons sa TV
Okay. Saan ka ba natutulog ngayon? Tanong ni Seul
Sa kwarto ni Mommy po. Pero minsan pag ginagabi si Mom doon ako sa room ko kasama si Ate Miriam. Sagot naman nito
Kamusta naman school? Nag eenjoy ka ba? Tanong nito ulit
Opo, masaya naman po. Lalo na magkaklase kami ni Seok. Kaya excited ako parati na pumasok. Sagot naman ni Grey
Hindi kaba nabobored? Tanong pa ni Seul
Sometimes. Pero okay lang. Sagot nito
Ano'ng favorite subject mo? Tanong ulit ni Seulgi
Math and Science. Pero mas Science. Baba, pwede ba akong maging Doctor paglaki ko? Tanong pa nito
Oo naman, basta mag aral ka lang ng mabuti. Pero maraming klase ng Doctor anak. Sabi ni Seulgi
Yong Doctor for Animals po ang gusto ko. Sagot nito kaagad
Not a bad choice. Just study well. Sabi naman ni Seulgi
Baba, kelan ka po uuwi dito? Nakita kong nagulat si Seulgi sa tinanong ni Grey
Hmmm. Hindi ko pa alam anak eh. Pero ganito na lang, may itatanong si Baba sayo. Please answer me honestly okay? Malumanay na sabi ni Seulgi
Tumango naman si Grey at matamang nakikinig.
Pano if hindi na si Baba ang umuuwi dito sa bahay niyo, okay bibigay ako ng example ha. Pano kong si Ninang Lisa na umuuwi dito at hindi na si Baba? Matatanggap mo ba? Sabi nito kay Grey na kinandong pa ito
Why? Why not you? Tanong ni Grey
Ahmmm, kasi. There are some things na hindi ko pa kayang ipaintindi sayo anak, for now. Pero one thing that i am sure is, ako pa din ang Baba mo, at anak kita. Mahal kita, mahal ka namin ng Mommy mo. Pero hindi na kasi pwedeng magkasama kami or tayo ulit sa iisang bahay like before. Naiintindihan mo ba si Baba? Tanong ni Seulgi
Tumango naman si Grey kahit na nalungkot ito.
Nakinig na lang kami sa usapan nila, nakaupo na din kasi sina Biboy, Ken, Lisa At Jennie.
Pero pupuntahan mo pa din ako? Pwede pa din akong matulog sa bahay ni Lola?
Tanong ni GreyOfcourse naman Anak. Ang maiiba lang is hindi na uuwi si Baba dito sa bahay niyo. Pero hindi magbabago yong relationship mo with Ate Angela and Lola. Sagot naman ni Seulgi
BINABASA MO ANG
You and I(taglish)(Completed)2021
RandomLove is.... Sacrifice? Selfish? Forgiveness? Patience? Happiness? Or just a word that cannot be explain. Tama bang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kaligayahan ng taong mahal mo? Tama bang hayaan na lang na ikaw ang nasasaktan just to se...