CHAPTER 13

102 2 0
                                    

SEULGI POV

After that day hindi na kami nagkita pa ni Joohyun. Halos araw araw naman si Lisa nakatambay sa bahay.

Sa site kasi ako naka destino at pumupunta lang sa Firm pag kailangan kong magpapirma ng DTR kay Joy pero parati ding wala si Joohyun.

Huling linggo ko na sa OJT ko pero hindi pa din kami nagkita or nag usap ulit ni Joohyun.

Sa unang buwan ko sa site ay naging closed ko si Miss Jennie Kim.

Halos magkasama na kami nito araw araw sa pag supervise ng pinapatayong bahay nito.

Mas lalo ko siyang nakilala and mukhang tama din ito sa sinabi nito sakin noon na pasok ito sa mga hinahanap ko sa isang babae.

Parati niya akong pinariringgan kong kelan ko ba siya liligawan, napapangiti na lang ako tuwing yun yong topic niya.

Nakilala ko na din ang Daddy niya. Katulad ko, nag iisang anak lang din pala ito at matagal na ding walang Mommy.

Kaya sa tuwing nagkikita sila ni Mommy sa bahay ay nilalambing ito palagi si Mommy.

Dapat kasi ilalakad ko siya kay Manoban, kaso hindi pa masyadong nakaka move on si Lisa kaya hindi ko na muna pinupush.

Masyadong special na si Jennie sakin kaya magkakaproblema lang if hindi sila nag work out na dalawa if hindi pa sila sigurado sa mga feelings nila.

Lalo na at vocal si Jennie about sa feelings niya sakin. Lalo na kay Mommy.

Minsan mas nauuna pa ito sa bahay kesa sa sakin.

Parati din itong nanunuod ng GIG ko kaya kahit mga kabanda ko akala nila Girlfrend ko siya.

Clingy din kasi ito at maalaga. Naging closed naman sila ni Tzuyu na kasama din namin parati, pati na yong Partner nito na si Sana...

Ngayon andito kami sa Club dahil its Friday. Kasama ko si Lisa at Jennie.
Bagay talaga silang dalawa. Pero hindi pa ito ang tamang panahon.

Pre, okay lang ba kung susunod si Joy At Joohyun? Tanong ni Lisa

Oo naman. Bakit hindi? Sagot ko

Joohyun as in Si Architect Bae? Tanong ni Jennie

Yeah, nakalimutan ko atang sabihin na Bestfriend ni Lisa si Joohyun. Sabi ko na lang

Ahh, really! Yeah mukhang hindi mo nga nasabi sakin..sagot na lang din ni Jennie

Katulad ni Joohyun, hindi din masyadong umiinom si Jennie.

Alas 10 pa lang ay andito na kami sa club. Alas onse pa yong schedule namin.

My bago din kaming kasama sa banda, isa ding bokalista. Para kahit wala ako steady lang. Si Morisette. Hayop din ang Vocals nito.  Kaedad lang din namin.

Ngayong araw ang huling duty ko sa Firm. Natapos ko na kasi ang Hours na kailangan kong bunuin.

Nagsimula ng magsidatingan ang ibang kabanda namin.

10 mins. Before magsimula kami ay dumating si Joy at Joohyun. Nagsilingunan naman ang ibang costumer sa table namin.

Hi Architect! Agad na bati ni Jennie

Oh, hello Miss Kim. Nagulat na sagot ni Joohyun at napatingin pa sakin dahil yong braso ko ay parang nakaakbay kay Jennie pero nasa upuan lang nakaakbay

Ang pormal naman. Jennie na lang. Kaibigan ko na din itong Bestfriend mo. Sagot ni Jennie at tinuro si Lisa

Ah ganun ba. Sorry hindi ako na inform sagot na lang ni Joohyu

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon