CHAPTER 39

81 0 0
                                    

SEULGI POV

Masaya akong nagising ngayong umaga. Ewan ko pero magaan ang pakiramdam ko ngayon, di katulad kahapon na ang bigat bigat ng puso ko.

Siguro dahil pinipilit kong huwag isipin ang sakit kaya magaan lang ang loob ko ngayon.

Masaya din kaming nagsalo salo sa breakfast, mukhang okay naman si Angela dahil nakangiti din ito.

Mukhang nag enjoy ito sa pag oovernight kasama ang dalawang kapatid ni Joohyun.

Napakaganda din ni Joohyun ngayon, parang iba din ang Gising nito.

Hindi pa ito nakakaligo pero sobrang ganda pa din.

Napatingin ito sa gawi ko ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

Napataas ang kilay nito sakin, meaning nun my kailangan ka ba or sasabihin.

Napailing na lang ako kaya napatango naman ito. Isa yun sa napag aralan ko sa mga gawi niya.

Napatingin ako kila Biboy pero nahuli kong nagpalipat lipat ng tingin samin ni Joohyun. Iba din ang gising ng dalawang to.

Ang aga aga nanunukso na ang mga ngiti at tingin.

Napailing na lang ako at bumalik na sa pagyuko sa pinggan ko.

Dito na kayo maghapunan mamaya. Alam ko namang magpapa deliver lang kayo after niyong mag ayos sa lilipatan niyo. Sabi ni Tita

Pupunta pa po ako sa office after class tita, siguro mga 8pm pa po ako makakauwi. Sagot ko na lang

Nauna na kasing umakyat si Joohyun dahil maliligo pa ito. Nakabihis na kaming 6 dahil maaga ang pasok ng mga ito.

Sige lang. Tutulong naman sila mamaya doon. Kaya sabay sabay na lang tayong kumain. Hihintayin ko na lang kayo dito. Sabi pa ni Tita

Sige po. Maraming salamat po Tita. Nakangiti kong sabi

Basta ikaw Seulgi. Andito lang kami. Sagot pa nito

Napatango at napangiti na lang ako kay Tita.

Binilisan ko na ang pagkain at agad na umakyat para mag toothbrush.

Kakalabas lang ni Joohyun ng banyo na nakatapi lang ng towel.

Pero wala naman itong reaksyon ng makita akong nakatayo sa labas ng pintuan ng banyo.

Dretso lang ito kaya pumasok na ako at nag toothbrush.

Mauuna na kami Hon, paalam ko sa kanya

Medyo nagulat pa ito sa tinawag ko.

Ahhh, sige. Ingat kayo. Sagot lang nito

Yun lang? Tanong ko

Tumayo ito sa pagkakaupo, agad na lumapit sakin.

Ingat ka Honey. Sabay halik sa labi ko tsaka tinalikuran lang ako

Napangiti na lang ako at lumabas na ng kwarto niya.

Sarap lang tuksuhin ni Joohyun, alam ko namang sinasakyan lang nito ang trip ko.

Nagpaalam na kami kay Tita at Tito.

Si Yeri ang unang bababa dahil iisa lang ang University naming lima..

Pero binaba ko lang sila at nagpunta naman ako sa isang business namin. My Conference Meeting kasi kami.

Mabuti at mabilis lang naman kaya 9:30 pa lang ay nasa school na ulit ako.

Nagpunta na muna ako sa Cafeteria at bumili ng maiinom. Tsaka nagpunta na sa classroom ko.

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon