CHAPTER 29

73 0 0
                                    

LISA POV

Alam kong my nangyayari kila Seulgi, pero knowing Seulgi hindi ito tatakbo sakin.

Mas gusto nitong mapag isa at sarilinin na lang ang problema nito.

Nagpasama na lang muna ako kay Tito, Papa ni Joohyun para kunin amg kotse ni Jennie sa Village nipa Seul.

Bumalik naman agad si Tito at dretso naman ako sa bahay ni Jennie.

Bumusina lang ako at agad namang lumabas si Angela bitbit si Grey kasunod naman si Jennie na my dalang malaking box.

Cake siguro iyon kaya napababa na lang ako para tulungan ito.

Naka shades ito kaya hindi ko makita ang itsura nang mata.

Nagpasalamat naman ito sakin.

Tahimik lang kami sa sasakyan habang bumibyahe. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana.

Hanggang sa maipasok ko na sa garahe nila Joohyun ang sasakyan ay walang nagsalita kahit isa samin.

Agad ding itong bumaba kaya napababa na lang din ako.

Mabuti at nandito na pala kayo. Salubong ni Tita

Oh, sino naman ang pogi at magandang ito? Tanong naman ni Tito ng makitang bumaba si Angela karga si Grey

Ahh, si Angela po pala Tito, Tita. Isa sa mga alaga ni Seulgi sa Shelter. Ito naman si Grey, ahhhm. Adopted namin. Sabi naman ni Jennie

Welcome sa bahay namin. Sabi naman ni Tita

Magandang hapon po sa inyo. Magalang na bati naman ni Angela

Naku salamat. Nag abala ka pa. Sabi ni Joohyun ng ibigay ni Jennie yong box na dala nito

Sinabihan ko naman sila about Seulgi kaya walang naghanap.

Ilang sandali pa ay dumating naman si Joy at pumarada na din sa loob ng garahe.

Hello, oh. My Baby pala tayong bisita. Si Grey kaagad ang una nitong nakita

Nakita kong kinausap ito ni Joohyun. Sinabihan siguro about kay Seulgi, ang bunganga pa naman nito.

Kami kami lang naman ang bisita kaya kumain na lang kami. Nakailang tawag na din ako kay Seulgi, hindi ko lang pinapakita sa kanila tuwing tatawag ako pero hindi ito sumasagot.

Mabubugbog ko talaga itong Gagong toh, pag nakita ko kahit na magaling itong mambugbog.

Kinuha ko na muna si Grey at nilaro ito habang tinatawagan pa din si Seulgi.

Ang lungkot ng mga mata ni Jennie at sana hindi tama ang sapantaha ko dahil hindi ko nakita ang singsing nito sa kamay.

Medyo tahimik lang din ito kung hindi kinakausap.

Nagkakatinginan na nga lang kami ni Joohyun.

Hindi namin kasi alam kung pano ba sila pagbabatiin dahil hindi din namin alam kung ano'ng nangyari.

Bwisit naman kasi itong Oso eh, bakit hindi sagutin ang tawag ko.

Gago! Buti sinagot mo. Nasaan ka na? Hinahanap kana dito.

Ah, okay. On my way. Sorry.

Sige, ingat.

Mabuti naman at pupunta pala, mahina lang yong boses ko kaya wala naman sigurong nakarinig, si Grey lang.

Ilang minuto pa at narinig na namin na my pumaradang sasakyan sa labas.

Napalabas naman si Tito ng makilala ang Pick up ni Seulgi.

You and I(taglish)(Completed)2021Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon