Lust 20

1K 64 16
                                    

Lust 20

Hawak ni Smith ang scholarship na kanyang gustong i-offer kay Marian sa Roma. Habang bitbit niya ang buong paninindigan na patatakbuhin sa Politika si Aiden. Sa pag pasok niya sa loob ng kanyang opisina, mukha ni Akio ang bumulaga sa kanya. Namumula ang mukhang at bukas ang ilang butones ng polo nito.

"What brings you here?!" Galit na tanong ni Smith. Hinatak niya pa ang damit ni Akio upang pumasok ito.

"I will tell my brother that I'm one of them."

"Are you fucking insane?! Sisirain mo ang pamilya ko!"

"I'm one of your family. But I don't care, I want them to know that I'm existing!"

"Tarantado ka ba? I will give you money then get lost! Hindi ba maliwanag sa iyo na tawag lang ng laman ang nangyari sa amin ng mama mo?! She's nothing to me!"

"Fuck you! Fuck you Smith Lavigne! Kahit sabihan mo ako ng milyon na beses na isang ilehitimo mong anak, huwag mo lang masabihan si mama ng ganyan!"

"Here, siguro naman tama na ang bayad ko sa'yo! Alam ko ang ginagawa mo, iniiisa isa mo ang paglapit sa mga anak!"

"Babalikan kita! I will make sure that I will expose this fucking DNA result! Hindi kita titigilan! You fucking eat you money!" pinunit ni Akio ang cheque at sinipa ang upuan.

Tila nag init lalo ang ulo ni Smith sa ginawa ni Akio. Marami siyang balak kay Aiden. Galit man ang panganay sa kanya, hindi pa rin makakaila na gusto lamang niyang umayos ang mga buhay nito.

"I will dictate everything, lahat ng dapat gawin ay nakasalalay lamang sa aking mga kamay."

Payapang nakaupo sa loob ng confessional si Aiden. Hinihintay niya na lumabas si Marian. Nais niyang dalhin ito sa lugar kung saan sila nag-ballroom bago siya bumyahe papuntang Mindanao.

"Father," isang boses lalaki ang nagsalita sa kabilang gilid at napalingon si Aiden.

"Okay, mistaken identity na naman ako bilang Pari. Bakit nga ba kasi ginawa kong tambayan 'to?" He whispered.

"Father, I want to confess my sins."

"Venial or Mortal sin?" Tanong ni Aiden at pinanindigan niyang Pari siya.

"Nagnakaw po ako."

"Bakit mo ito nagawa?"

"Nangangailangan po ng pera ang anak ko panggamot. Hindi ko po binalik ang pera na pasingil ng amo ko. Gumawa po ako ng kwento para lumabas na nawala po ito. Hindi ko po ito gawain, ngayon lang po dahil kapit sa patalim. Mapapatawad po ba ako ng Panginoon?"

"Kung ako ang tatanongin sinuplong na kita, at dadalhin sa DSWD ang bata," bulong ni Aiden at ngumisi.

"Ginawa ko po ito dahil ayaw kong mawala ang anak ko, masakit po bilang isang magulang na mawalan ng anak pagkatpos wala ka man lang nagawang paraan para maisalba ang buhay nito."

Tila nawala ang ngiti ni Aiden sa mukha nang marinig niya ang paghikbi ng lalaki.

"God will forgive you, pero sa kahit anong pamamaraan. Hindi kadahilanan ang hindi sinasadyang pagnanakaw. Kahit saan sulok mo itong tingnan, nagnakaw ka pa rin. Wala o meron man na nakatingin kapag gumawa ka ng alam mong labag, this is dishonesty. Hindi mo lang niloko ang Panginoon, kundi pati ang sarili mo. Ang pagnanakaw ay isang choice. Hindi dahil may kulang na dapat punan ay magnanakaw na. Tandaan mo na maraming paraan sa mundo, alam ko na ito ang naisip mo. Ibig sabihin lang nito na humina ang pananampalataya mo dahil nagpadala ka sa bulong ng masama."

"I'm sorry Father! Hindi ko na po ito uulitin, gusto ko pong ibalik iyon. Natatakot po ako na makulong."

"After this, I will give you money. Sana at makatulong, lalong hindi masama na manghingi ng tulong sa ibang tao. Kesa naman sirain mo ang pangalan mo at magnakaw."

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon