"HINDI ko alam kung hanggang saan aabutin ang sobrang saya sa puso ko habang pinagmamasdan ang mga kapatid ko na sobrang saya. Lahat sila ay kinasal na sa taong mahal nila. Tanging kami na lang ni Akio ang magulo ang buhay. Masasabi kong magulo dahil wala akong tamang desisyon na maisip. Hindi ko alam kung tama ba o mali ang ginagawa ko habang nasa loob ng simbahan.”
Hawak ni Aiden ang white wine habang nakikinig sa diskusyon ng magulang. Walang araw na hindi ito nagtatalo dahil lang sa pag-aalaga ng mga bata.
"Bakit hindi mo hayaan kay Precious! Kaya niyang alagaan iyan!" bulalas ni Efinia at tinabig ang kamay ni Smith.
Nahuli ni Smith ang kamay ni Efinia at mahigpit na hinawakan.
"Uy si Dad dumadamoves!" sigaw ni Austine at nakipag tawanan kasama si Arthur.
"Kayo na ba ang next na ikakasal?" tanong ni Arthur.
"No, I have a boyfriend."
Napatingin si Smith at halatang nagulat ito pati na ang mga anak.
"Really Mom? Our new Daddy?" wika ni Austine.
"Oo Dos, soon ipapakilala ko siya," giit ni Efinia.
Tahimik na umupo lang si Smith sa kabisera at kumain ng salad. Nakatingin lang sa kanya si Precious at sinipa ang paa niya
"Selos ka Dad?" bulong ni Precious
"Papayag ka ba na mapupunta sa iba ang only one mo?" giit naman ni Regine.
"Tigilan niyo akong dalawa. Uuwi na ako busy ako," tumayo si Smith at basta na lang lumabas ng walang paalam.
Bahagyang ngumisi si Efinia at nakipag-appear kay Arthur.
"Mahal mo pa si Dad?" Austine asked.
"Hindi na, tapos na kami noon pa," diretsong sagot ni Efinia at uminom ng alak.
Nanatiling tahimik at nakatingin si Aiden sa kawalan. Napansin din ito ng mga kapatid niya dahil si Aiden ang pinakamaraming baon na biro sa kanilang tatlo.
"Are you okay son?" tanong ni Efinia.
"Yes, uuwi na ako. Medyo masama ang pakiramdam ko," nagpanggap na umubo si Aiden at nilapag ang wine glass sa lamesa. Hinalikan lang niya ang ina sa noo at ang mga pamangkin bago umalis.
Sa kanyang pagsakay sa kotse, halos magsikip ang dibdib niya dahil sa sobrang kaba.
"Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit kailangan kong magkaganito?"
Tila binulungan si Aiden at bumalik sa Pegasus, inabot man siya ng gabi wala siyang pakialam basta mahanap lang niya si Honey.
"Hey, nagtatrabaho pa ba si Honey dito?" aniya ni Aiden sa isang bayarang babae na nakaupo
"Honey Lim! Nasa Pampanga! Bakit? Hindi ka ba niya binayaran sa utang?"
"Oo e, sisingilin ko sana. Saan naman banda sa Pampanga?"
"Ang sinabi lang niya sa akin, lubog na simbahan at bell tower na lang ang naiwan ayon sa kanya."
Nasamid si Aiden at tinalikuran ang babaeng kausap, hindi siya makapaniwala dahil Bacolor lamang ang lubog na simbahan sa Pampanga dahil sa Pinatubo.
"This is completely insane!”
INABOT ng madaling araw si Aiden at nag-check in nalang siya sa isang motel sa Lazatin San Fernando Pampanga. Hindi siya makatulog at nakatingin lang sa bintana. Hinihintay niyang magliwanag para mahanap na niya si Honey. Hindi siya mapakali at nagtataka kung bakit parang pinaglalaruan siya ng tadhana.
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...