Lust 6

7.1K 156 16
                                    

Lust 6

Natapos ang araw ng walang bago kay Aiden, nakahiga siya sa kanyang king sized bed katabi ang dalawang babae na hindi niya kilala. But he felt empty kahit ilang dosena pa ng babae ang ihiga niya rito. He's holding their family picture. Noong silang tatlo pa lang ni Smith at Efinia. Ayaw niyang hawakan ang huling family picture nila na kasama si Austine at noong buntis si Efinia kay Arthur. Alam niyang peke na ang ngiti ng kanyang Ama pati ang Ina. Everything turned into pieces magmula na wala ang kanyang ina. He became reckless at mas lalong naging pariwala.

"I want to have a time machine, so that I can go back with the past. If I could bring back time, hindi siguro tayo nagkaganito, Ma. I hope you're doing well above the clouds. Huwag kang mag-aalala, I'm good. Bulakbol man ako, sinusulit ko lang ang mga panahon na nandito ako sa mundo. Ayokong isang iglap na namawala ako rito at hindi ko man lang nagawa ang gusto ko. Just like you Mom, na wala ka nang hindi kayo nagkaka-ayos ni Dad. Pero pakiramdam ko, hanggang do'n na lang talaga," tumayo si Aiden at dinampot ang kanyang cellphone, dumako siya sa kanyang gallery at laking gulat niyang may litrato rito si Marian with a wacky pose.

"This stupid woman, balak niya bang lagyan ng virus ang cellphone ko?" bulong niya sa sarili the he pressed the delete button. 

Are you sure you want to delete this photo?

Napatigil si Aiden dahil sa biglang dialouge box na lumitaw bago burahin ang litrato. He pressed cancel at pinagmasdan ang mukha ng dalaga. Napangiti siya at dinampot sa kanyang drawer ang na iwan na panyo ni Marian. May burda ito ng krus at letrang M. 

"Maka Diyos. Kaya siguro sa edad niyang 'yon, pinapaka ingatan niya ang Bataan," natulala lang si Aiden habang pinagmamasdan ang mukha nito sa kanyang cellphone, pagkatapos ay nilingon niya ang dalawang babae na nakahiga sa kama niya. 

"Threesome is better."

Kinagabihan, nakatulala lang si Marian sa kawalan habang nakatingala. Mula sa pag-uwi niya, hindi pa rin na aalis ang mabilis na paghalik ng binata sa kanyang labi. 

"You are stupid, Marian. Kakasabi lang ni Sister Mercy loko-loko 'yon. Bakit ba kasi ako nagtaas ng kamay para sa kanya? Sana hinayaan ko na lang siyang nakipagtalik sa matandang 'yon? Eh mukhang pera-pera lang ang gusto ng baklang call boy na iyon?!" pinagtatampal niya ang sarili.

"Huy, okay ka lang? Buong araw kitang hindi nakasama ha?" giit ni Ann at inayos ang buhok ni Marian.

"Eh ayoko nang bumalik sa library," giit ni Marian at ginulo ulit ang buhok. 

"Ano bang problema mo? Kasama mo naman ako. Isa pa at gustong-gusto mo sa library diba dahil tahimik? Mas nakakapag pahinga 'yang isipan mo kasi boring ang lifestyle mo?" pang-aasar ni Ann sa kanya.

"Huwag ka na kayang mag-Madre? Ang bitter mong pumasok rito!"

"Eh kasi gwapo si Father," bulong ni Ann.

Namilog ang mga mata ni Marian at hinampas ang braso ni Ann. "Ann ha! Makasalan ka talaga!" 

"Hindi naman, humahanga lang. Ano ba kasi ang problema? Dinaig mo pa ang na broken-hearted sa itsura mo."

"Broken-hearted nga ba ako? Bakit naman ako mabo-broken sa lalaking 'yon? Na iinis pwede pa?" bulong niya sa sarili habang nakanganga.

"Paano ka magiging Madre, sobrang aanga-aanga mo!" 

"Samahan mo na lang ako sa labas, gusto kong pumunta sa convenience store," bulong ni Marian.

"Ayan, hindi ba't pinagalitan na tayo?"

 Save the Lust DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon