Lust 5
Patuloy na binabalik ni Marian ang mga libro sa shelves, nakatuntong siya sa isang maliit na hagdanan at naghahanap din siya nang pwedeng babasahin.
"Hay at napakabigat mo naman pala," ibinalik niya sa ayos ang encyclopedia na hiniram. Napakamot siya nang ulo dahil sa ilang pag -ring mula sa steel bell. Halatang nagmamadali ito at napatalon si Marian upang makababa agad sa hagdanan.
Nagulantang siya na si Aiden ang naghihintay sa kanya. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Para bang hinuhubaran siya nito at nagmadali siyang lumapit upang gawin ang trabaho.
"Hi Miss? Pwede bang magtanong?" giit ni Jude at inilapit ang mukha kay Marian. Napakunot ng noo si Aiden at pinagmamasdan ang ginagawa ni Jude.
"Ano ho 'yon?" umatras si Marian at kinuha ang logbook.
"Na saan ba ang pakpak mo?"
"Ha? Anong pakpak?"
"Ay sorry, akala ko kasi anghel ka," ngumiti si Jude at kinindatan si Marian. Napailing na lang si Aiden at tinapik ang balikat ni Jude.
"Where's the book?" masungit na tanong niya kay Marian.
"Dude, don't be so rude," suway ni Jude.
"Stop it Judas. I need that book right now," asik ni Aiden at inirapan si Marian.
"Bakla ka ba? Kanina ka pa nang iirap?" lakas loob na sinabi ni Marian.
"Ohh, she's asking if you are a gay?" humagalpak sa pagtawa si Jude at hawak ang t'yan.
"Ssh, you are inside the library. Maraming estudyante ang nagbabasa rito," mataray na sinabi ni Marian at inabot ang libro kay Aiden.
"Bakla pala ha?" bulong ni Aiden at tinaasan ng kilay si Marian.
"Hindi ba? Three days lang ang max sa paghiram ng libro. Bawal ang may gusot, bawal din ang may namatayan na lamok sa bawat pahina niyan. Dahil isa-isa kong chini-check 'yan," pilit na pagsusungit ni Marian.
"Baka gusto mong ibalik ko pa sa'yo nang naka kuwadro? Sa libro ingat na ingat ka, pero sa sarili mo hindi? Calling me gay after w--."
"Shut up!" Tinakpan ni Marian ang bibig ni Aiden dahil sa sasabihin nito.
"Anong meron?" tanong ni Jude.
"Wala, lumabas na kayo at maraming ma iistorbo rito," lumaki ang mga mata ni Marian nang tumingin kay Aiden bilang isang pagbabala. Pero mas ngumiti pa ang binata at pinagmasdan ang dibdib niya pagkatapos ay lumabas.
"Ugh, bastos talaga. Ang tanga ko naman kasing magpabihag sa kanya! Pagkatapos ko siyang sinalba sa matandang hukluban, ito ang ipapalit niya? Walang utang na loob," bulong niya at tinali ang buhok dahil pakiramdam niya'y sasabog na ang kanyang ulo sa sobrang init.
Nakuhang humiwalay ni Aiden kay Jude dahil kinukulit na naman siya nitong gumamit ng ligaw na dahon. He was in jailed dahil sa paggamit nito, hindi lang ligaw na dahon kung hindi sa mas hihigit pang droga. Nahuli siya sa isang motel kasama ang isang agent na matagal na siyang minamanmanan. Luckily at malakas ang kapit ng kanyang ama kaya siya'y napawalang sala.
Mainit pa rin ang mga mata niya sa polisya kaya tumigil na muna siya sa paggamit. Muling napadaan si Aiden sa library at na silip niya sa bintana si Marian na nakaharap rin sa salamin na bintana. Ngunit ito ay nakayuko at mukhang nagbabasa ng libro. Nais niyang gulatin ang babae at tumayo siya para pagmasdan ito.
"Mula sa buhok hanggang sa maputing kutis, I remember everything that night. Dapat singilin talaga kita pagkatapos ni libre pa kita ng dinner. Imbis kumita ako, ako pa ang gumastos, modus itong babaeng 'to," bulong ni Aiden sa sarili.
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...