Lust 27Payapang nakaupo si Smith sa harap ng coffee shop habang tinitingnan ang huling family picture nila noong buhay pa si Efinia. Hindi niya alam kung bakit nakuhang ibalik ni Marian ang ala-ala nila noon ni Efinia. Mula sa hirap at ginhawa hanggang sa bagay na labis niyang pinagsisihan.
"I can't stop thinking 'bout you. Alam ko kung buhay ka, siguradong sinuntok mo na ako dahil sa mga ginagawa ko sa mga anak natin. You know the reason why I'm doing this. Nakakatakot ang mundo dahil maraming traydor ang nakapaligid. Pero mula noong namatay ka, doon ko na isip, mas nakakatakot pala na mawala ka sa tabi ko."
Muling tiningnan ni Smith ang kanyang pulso at para bang binalik siya sa nakaraan kung paano siya manghingi ng tulong.
"If I could bring back time, hindi sana kita sinaktan Efinia. I miss you my wife."Mula sa hindi kalayuan, nakatitig lamang si Efinia kay Smith. Nahuli na lang niya ang sarili na paunti-unting umuukit ang mga labi sa pagngiti.
"There's a lot of what if's running through my head. Kailan kaya ito masasagot? Wala kang pinagbago, baduy ka pa rin tingnan sa botai ribbon mo. Kahit kailan lagi ka na lang naka corporate attire. Masyado mong sineryoso lahat ng sinabi ko. Concious old man," bulong ni Efinia habang nakadungaw sa asawa.Bigla siyang yumuko at nang biglang maramdaman ang luha na umagos sa kanyang pisngi.
"But everything turned into ash. The love I invested to you, lahat iyon ay sinayang mo."Ilang taon na ang nakalipas ngunit ang sakit sa dibdib ni Efinia ay hindi pa rin nawawala sa tuwing nakikita niya ang asawa.
"Damn it, I love you Efinia," bulong ni Smith habang nakatulala sa kawalan.
"Dad!" salubong ni Arthur at umupo sa tabi ni Smith.Tila ginanahan si Efinia nang makita ang bunsong anak.
"Sige titigan mo ang tatay mo. Kamukha kita nang maalala niya ang kasalanan niya. Ang gwapo talaga ng bunso ko!" Aniya ni Efinia. Aminado siyang sabik na makita ang anak ngunit pinigilan niya ang sarili at inabisuhan ang driver na sila'y umalis."Ang tagal mo, you have a tutorial later. Saan ka ba galing?" aniya ni Smith.
"I was stuck in the comfort room. May nag interview sa akin about kay Kuya Aiden at kay Marie? Tama ba akong Marie?" wika ni Arthur at nangamot ng ulo.
"What? Anong tinanong?!"
"Why are you mad Dad? Ano bang nangayri kay Kuya? Silang dalawa ni Kuya Austine labas pasok sa bahay."
"Just focus on studying, Arthur. Alam ko ang dapat mong gawin at kung ano ang makakabuti sa'yo. Let's go, we have som--," natigilan si Smith at Arthur nang makita si Aiden na may kasamang dalaga. Napakamot ng ulo si Arthur at kumaway sa Kuya.
"Bro!" Bati ni Arthur at hindi pinansin ang kapatid.
"You love her, pero ang bilis mong magpalit," wika ni Smith.
"You love her but you killed her," pambato naman ni Aiden at kumindat sa Ama.
"Ano bang pinaguusap niyo? Akala ko bang magpa-Pari ka Kuya? Bakit may babae ka?"
"Inspiration! Sige na mag-aral kang maigi Arthur.
Umalis sila Smith at Arthur habang si Aiden na unti-unting nabura ang mapapanggap na ngiti. Binitiwan niya ang kamay ng dalagang kasama at umupo.
"Are you okay?""Yeah, I'm good."
"Let's go to my condo, siguradong kailangan mo ako."
Napayuko si Aiden bago tuluyang makapag desisyon. Siguradong magagalit ang nanay niya sa kanya ngunit ito lang ang nakikita niyang paraan upang makalimutan si Marian.
"Sure let's go."
BINABASA MO ANG
Save the Lust Dance
RomanceBad boy and ex-convict, Aiden Lavigne made himself like this after his mom's death. But one woman made him change, an Aspirant Nun named Marian Lewis. Aiden jokingly entered seminary to follow Marian in the convent. They thought that this love was...